Scratch Paper

Where the only thing you can do is scratch your head...

Saturday, June 23, 2007

Final Fantasy: Mama's Boys

Hover over images to see names.

Kadaj
Loz
Yazoo

Biglang may magkapatid na sumugod sa Fool Haus, sina Yazoo at Loz.
YAZOO: Nasaan si Mother? Umamin na kayo at baka masaktan lang kayo.
LOZ: May nagsabi sa amin andito lang siya. Dito mismo sa bahay ninyo.
KISAME: Sinong mother ha? Wala namang ibang babae dito kundi si Pikori... Hoy Pikori, mukhang hinahanap ka ng mga anak mo!
PIKORI: Wala akong anak! Tsanak meron!
KISAME: Narinig niyo, walang ina dito.
LOZ: Hoy pating, baka gusto mo ng away! Ilabas niyo siya ngayon din.
GAARA: Ang tanda tanda niyo na, hinahanap niyo pa ang nanay niyo.
LOZ: At sino ka namang bata ka?!
YAZOO: Ano yang banga na nasa likod mo? Baka tinatago mo dyan si Mother!
GAARA: Ang kaluluwa ng ina ko ang nasa loob ng gourd na ito at kapag pinagsama ko pa ang buhangin, chakra at kapangyarihan ng Shukaku sa loob ko, siguradong tapos kayo!
YAZOO: Baon-baon niya ang kanyang ina sa loob ng garapon na iyan? Maswerte siya!
PIKORI: Aba siyempre, isang genie ata ang nakatira sa loob niyan no? Isang sandfairy ang kanyang ina, alam niyo ba yun?
GAARA: At nag-imbento ka na naman mga alamat mo!
*Inilabas ng magkapatid ang kanilang mga armas.*
YAZOO: Gusto ata ninyo mapadali ang inyong buhay.
KISAME: Bah! Di kami aatras sa mga tulad niyo na may gatas pa sa labi!
LOZ: Anong sabi mo, pating?! Hihimayin ko yang kalamnan mo hanggang sa maging rellenong bangus ka!
*Magsisimula na sana ang deadly rambulan nang sumingit si Pikori na parang garapata sa kilikili ng aso.*
PIKORI: Wait a minute, kapeng mainit! Pag naglaban kayo mawawalan kami ng shelter! We will be homeless...
LOZ: Pakelam ba namin sa inyo!
PIKORI: O sige na, sige na! Magkasundo tayo. Tutulungan namin kayo hanapin ang nawawala ninyong ina. Ok? Then leave us in peace!
KISAME: Sira ka ba? They will leave us only after we rest in peace!
GAARA: Peace, peace kayo dyan. Pisain ko kayo dyan eh!
YAZOO: O sige, pagbibigyan ka namin.
*Biglang tumunog ang cellphone ni Loz. Hayup, polyphonic ringtone!*
LOZ: Hello Kadaj, hinahanap pa namin si Mother. Nandito kami sa Fool Haus... Hoy hindi ako umiiyak!... O sige, hihintayin ka namin rito.
PIKORI: O sige magsisimula na ako maghanap sa sulok na ito, duon ka naman Kisame sa may kisame at ikaw Gaara halukayin mo ang lupa baka nakabaon dun ang kanilang ina.
KISAME: Sira ka ba? Paano mo hahanapin dito ang wala naman.
PIKORI: Mahahanap rin natin ang hinahanap natin kung maghahanap tayo. Paano nga naman tayo makakahanap kung wala naman tayong hahanapin?
KISAME: Ngee...
GAARA: Hindi kaya kinuha na siya ni Kayako?
KISAME: At tayo ang pinagbibintangan nila!
PIKORI: Heto magnifying glass para sa inyong lahat. Tignan ninyong mabuti at baka may mamiss kayong small spot.
YAZOO: Ano kami duling?
LOZ: Niloloko lang ata tayo ng babaeng to eh!
PIKORI: Heto't tinutulungan na nga kayo tapos kayo pa nagrereklamo. Hinahayaan ko na nga kayo na maghalungkay sa loob ng bahay namin eh!!!
LOZ: Eh kung pagkalakalasin kaya namin tong bahay ninyo?
PIKORI: Sa tingin mo ba madali ang magset up ng bahay na ito?! Kisame pa nga lang hirap na hirap na kami! Yan ang hirap sa inyo eh easy to destroy but hard to build!
*Dahil ayaw na nila matikman ang katakut-takot na sermon ni Pikori, naghanap nalang sila sa buong kabahayan. Hindi nila pinalagpas ang mga ilalim ng mesa, loob ng kabinet, likod ng pinto, pati kumot, paso, basurahan, kahit septic tank at kanal di nila tinantanan. Inabot na sila ng dapit hapon ngunit di pa rin nila nahahanap ang nawawalang ina.*
GAARA: Wala naman eh.
KISAME: TAlagang wala!
PIKORI: Di ko naman alam ang hitsura ng hinahanap natin. Paano nga natin malalaman?
KISAME: Eh di tanungin mo, malay mo nakita mo na pala kanina di mo pa alam.
PIKORI: Anong bang hitsura niya?
YAZOO: Eh di kamukha namin!
PIKORI: Ngek! Eh ano bang mukha niyo?
YAZOO: Ano sa tingin mo?
PIKORI: MArami kasi kayong kamukha, tulad nung nabiyak na arinola sa bodega.
YAZOO: Ano?! Wag na wag mo ihalintulad si Mother sa arinola!
LOZ: Umiinit na dugo ko sa iyo!
*Biglang may nagknock knock sa pinto*
YAZOO: Baka si Kadaj.
*Inopen sesame nila at tama nga, si Kadaj nga, the prodigal son.*
LOZ: Wala pa rin eh.
KADAJ: Ganun ba? Eh di tapusin sila.
PIKORI: Teka lang, ah alam ko na tawagan natin ang Getbackers!
KISAME: Eh alam mo ba hotline nila?
PIKORI: Hindi.
GAARA: Hay naku, ewan ko na talaga sa iyo.
PIKORI: Teka baka ito ang hinahanap ninyo.
*Pinulot ni Pikori ang nagpuputak na inahin sa labas ng bahay ngunit pinugutan lang ito ni Kadaj gamit ang kanyang espada.*
PIKORI: Wala na siya! Huhuhu... *gumawa ng maikling pagdadalamhati at pagdarasal saka dumiretso sa kusina* Kawawang inahin, wag ka mag-alala di masasayang ang kamatayan mo. Sisiguraduhin kong makakain ka namin ngayon para sa hapunan.
*Habang abala si Pikori sa pagtatadtad ng manok, nagkainitan na ang dalawang kampo. Di napiligan ang paglalaban ng dalawang panig. Sa takot na baka mapahamak pati sila, ang mga dingding, kahoy at ilang mga furniture sa bahay ay biglang nagkabuhay at nagsitakbuhan papalayo. Nang matapos ang giyera , bumalik sa dati nilang posisyon ang mga gamit samantalang pareparehong wala nang energy ang magkakaaway. Naubos na rin kasi kanina ang kanilang lakas sa kakahagilap sa kanilang Mother.*
PIKORI: Handa na ang hapunan! Heto fritong pried chiken with MAMA-cita's oyster sauce. Siguradong magugustuhan ninyo!
KISAME: Energy kelangan ko ng energy.
LOZ: Protein, carbohydrates, energy drink, kahit ano!
YAZOO: Vitamins, minerals, pakiusap!
KADAJ: Akin na nga yang chicken na yan.
*Habang maagang naghapunan, in-on ni Pikori ang tv at nilipat sa QTB 11 kung saan pinapalabas ang Moms.*
PIKORI: O tignan niyo dyan, baka andyan ang mom niyo.
KADAJ: Wala si Mother. Hindi ganyan si Mother!
PIKORI: Sino ba kasing mother niyo, si Mother Lily?
KADAJ: Hindi!
PIKORI: Inang Yaya?
KADAJ: Hindi!
PIKORI: Ang tanging ina?
KADAJ: Hindi rin!
PIKORI: Momscake?
KADAJ: Lalong hindi!
PIKORI: Ah si Big Momma!
KADAJ: Hindi nga eh!
KISAME: P**** INA nyo!!!
*Naeskandalo ang magkakapatid*
LOZ: Anak ng... Ikaw pating ina mo!
KISAME: Sons of a b***!!!!
YAZOO: I will not have you refer to Mother that way.
KADAJ: Walang galang! Bawiin mo yan! Bawiin mo!
*Dahil three vs one ang laban naging mukhang flounder si Kisame sa sahig. Di nalang siya pinansin ni Pikori at Gaara.*
PIKORI: Ok shall we continue the quest?
LOZ: Mamaya na. Naubos uli ang lakas namin sa pambubugbog sa alaga ninyong pating.
KADAJ: Sa susunod turuan niyo yan ng good manners and right conduct!
GAARA: Di na yan matuturuan. Ganyan na yan hanggang kamatayan.
YAZOO: Eh di sa susunod takpan niyo ng masking tape ang bibig niyan!
LOZ: Oo nga, kung hindi ay tatahin namin ang bibig niyan!
PIKORI: Ok lang.
*Para magpalipas ng oras at magpalamig ng ulo, nagkantahan muna sila ng videoke habang nagmimidnight snack.*
LOZ: Mama, I love you! Mama, I care...
KADAJ: Mamma mia, here I go again. My, my, how can I resist you. Mamma mia, does it show again. My, my, just how much I’ve missed you. Yes, I’ve been broken-hearted. Blue since the day we parted why, why did I ever let you go...
YAZOO: Sana'y di magmaliw ang dati kong araw, nung munti pang bata sa piling ni nanay...
LOZYAZOOKADAJ: Iingatan ka, aalagaan ka, sa puso ko ikaw ang pag-asa. Sa ating mundo may gagabay sa iyo. Ang alay ko'y itong pagmamahal ko. May nag mamahal aakay sa iyo. Aking inay ikaw ang nagbigay ng buhay ko. Buhay na kay ganda. Pangarap ko na makamtan ko na.
*Sa sobrang kabusugan, nakatulog na ang tatlong bubwit sa sala.*

Kinabukasan...
KADAJ: Mother!
LOZ: Nasaan?
YAZOO: Baka nananaginip ka lang.
KADAJ: Nightmare lang pala.
PIKORI: Gumising na kayo! Kumain na kayo ng agahan.
LOZ: Ano to?
PIKORI: Piniritong maggots at ginisang mantis.
KADAJ: Kelangan bilisan natin at hahanapin pa natin si Mother.
PIKORI: Ah wala na kayong dapat ipag-alala, nanawagan na ako kanina sa lahat ng radyo at nagpakalap na rin ako ng mga poster ninyo. Tignan niyo.
*Tinignan ng tatlo ang paskil na may fan art nila at nakalagay "Missing Advent Children."*
LOZ: Anong tingin mo sa amin aso?
PIKORI: Pinakalat ko na yan sa lahat ng barangay at presinto at pinadala ko na rin yan sa mga tv stations. Mahahanap na rin kayo ng mama niyo at siya na mismo ang lalapit sa inyo. Sumulat na rin ako sa Sana'y Muling Makapiling for back up. Nagpadala na ako ng picture, ginamit ko yung cellphone niyong may camera. Kinuhanan ko kayo habang natutulog.
LOZ: Tama ba yang narinig ko o baka guniguni ko lang.
YAZOO: Narinig ko rin ang narinig mo kaya hindi ka nagiilusyon lang.
KADAJ: Umalis na tayo!
PIKORI: Teka, yung baon niyong beetle sandwitch! Meron na rin kayong calamansi flavored green tea sa jug tapos yung mga damit na pampalit ninyo andyan na. Pagpasensyahan niyo na kung mukhang basahan kasi yan lang ang meron dito. Eto payong baka maulanan kayo. May design yan ng Hello Kitty kaso isa lang kaya meron dyang Tweety raincoat...
KADAJ: Teka lang, nagnananaynanayan ka ba?
PIKORI: Eh naawa kasi ako sa inyo eh.
YAZOO: Umalis na nga tayo.
PIKORI: uy teka, tumawag na rin ako sa DSWD para matulungan kayo. Bye! Umuwi kayo ng maaga kung uuwi pa kayo ha!
GAARA: Lalong di na yan uuwi.
*Sa paligid, hiyang-hiya sila dahil totoo ngang kahit saan man sila lumingon meron silang mga posters na nakatapal. Para tuloy silang mga kandidato na binebenta sa publiko ang kanilang mga pagmumukha at serbisyo. Kulang na nga lang ata billboard eh. Pinagtuturo sila ng mga tao at napapaiiling nalang sila sa awa sa sawimpalad na magkakapatid.*
LOZ: Sobra yang Pikori na yan ah! Inadvertise na yata tayo sa lahat ng media.
KADAJ: Di ako magtataka kung bigla nalang tayo maging artista isang araw.
YAZOO: Pero di ko matanggap na medyo pango ang ilong ko dito sa picture na ito. *sabay turo sa poster na nakadikit sa poste ng meralco.* Tignan mo, para akong bakla!
*Isang pulis ang nag-offer sa kanila na ihatid sa bahay ampunan. Kaya bandang mga tanghali ay naroon na sila't nakikikain kasama ng mga madre. Nung matapos ay ini-tour pa sila sa buong orphanage hanggang sa makarating sila sa isang altar.*
MADRE: Mga bata, heto siya, ang ina ng buong sangkatauhan. *sabay lapit sa estatwa ng mahal na birhen.*
KADAJ: Siya nga ba? Siya na ba si Mother?
MADRE: Oo siya nga, lumapit kayo sa kanya mga anak at aakapin kayo niya nang buong puso. Halina, at magbalik loob tayo sa kanya.
LOZYAZOOKADAJ: *nag-iiyakan at niyakap ang rebulto* Mother!
MADRE: Ayos lang yan, sige iiyak niyo lang. Nakikinig siya sa inyo.
KADAJ: Teka sino to? *turo niya sa kabilang estatwa na nakapako sa krus*
MADRE: Iyan ang kapatid ninyo na nagsakripisyo ng kanyang buhay para sa inyong kaligtasan.
LOZ: Meron tayong kapatid?
YAZOO: Eh niloloko niyo ata kami eh.
MADRE: Hindi ako nagsisinungaling. Isa akong alagad ng Diyos.
KADAJ: Nasaan siya ngayon?
MADRE: Nasa langit at pinagmamasdan tayong lahat.
YAZOO: Baka ibig niyang sabihin bumalik na life stream.
KADAJ: Tignan ninyo, hindi ba kayo naaawa? Kapatid natin siya ngunit nakapako siya sa krus. Mga walang hiyang tao! Inaapi talaga ang angkan natin!
MADRE: Wag mag-alala, yun ang totoong misyon niya para malinis tayo sa ating mga kasalanan at sa ikatlong araw nang kanyang kamatayan siya'y nabuhay. Alleluia!
LOZ: Pambihira itong kuya natin ah! Patay na pero nabuhay pa! Hanep! Paano kaya niya nagawa yun.
KADAJ: Dahil binigyan siya ni ina ng kapangyarihan!
MADRE: Mali, galing sa Ama ang kanyang kapangyarihan. Ang ina niya'y isang simpleng tao lamang ngunit napakalinis ng puso kaya siya ay napili upang maging ina ng tagapagligtas... *at inikwento niya ang istorya sa bibliya*
LOZ: Eh ibang Mother pala yan e!
KADAJ: Umalis na nga lang tayo at binibilog lang nila ang ulo natin eh.
LOZ: Eh pambihira, ang tanga tanga mo kasi, Yazoo. Bigla ka nalang naglulumuhod eh di naman pala siya si Mother.
YAZOO: Nakigaya ka rin naman!
MADRE: Teka, teka, alam kong parepareho kayong sabik sa iyong ina ngunit hindi ito dahilan para mag-away kayong magkakapatid.
*Inabot na sila ng gabi at habang nanonood sila ng tv sa dining area, ini-flash sa news ang mga nawawalang bata. Syempre, kasama sila sa listahan. Yun nga lang parang out of place sila dahil hindi na sila kabilang sa matatawag nating mga bata.*
YAZOO: Teka, picture ko yun sa celpon ah!
LOZ: Oy, teka kinuhanan mo ba ako nang nakabrip?! G*** ka Yazoo!
YAZOO: Teka private yun ah! Yikes, ako yan na nakaMadonna!
KADAJ: Ano ba yang pinagagagawa ninyo! Inilalagay niyo tayo pati ang ating ina sa kahihiyan!
LOZ: E dapat private lang yan eh!
YAZOO: Si Pikori! Siya yung nangalikot ng phone natin at pinadala sa Bantay Bata!
*Ipinakita worldwide (kasi may TFC na) ang mga maseselang litrato at video nila na nakasave sa phone. Nagmukha tuloy silang mga pakawalang mga anak na pumasok sa mundo ng pagmomodel para sa isang Playgirl at playgay magazine. Napahiya tuloy sila sa mga bata at madre na parang natamaan ng kidlat dahil sa nabunyag na kagimbal-gimbal na katotohanan.*
YAZOO: Magpapaliwanag kami...
LOZ: Hi...hindi kami yun. May nanggaya lang sa amin at gusto lang kaming siraan.
KADAJ: *hiyang-hiya sa mga kapatid* Sinong maniniwala sa inyo? Malinaw na malinaw sa screen ang pinagagagawa ninyo! Umalis na nga lang tayo bago tayo malusaw sa hiya.
*Pag labas nila bigla silang sinalubong ng mga pulis at dinala sa presinto. Marami raw ang naghahanap sa kanilang mga babae at ini-claim na sila raw ang tunay na ina. Sa dami ng mga dinuktor na dokumento, hindi na nila malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo o hindi. Pagdating sa presinto, nagdagsaan ang mga babae edad 40 pataas. Lahat ay nagnanais maging sugarmommy nila matapos mapanood ang mga eksena sa telebisyon.*
FAKE MAMA 1: (desperate type) O kawawang mga bata, gusto niyo ampunin ko nalang kayo? Kung ako ang magiging ina niyo magiging maligaya kayo! Promise!
FAKE MAMA 2: (tsismosa type) Kay gagwapong mga bata, siguradong ang cute ng ina nila!
FAKE MAMA 3: (sadista type) Dapat sa mga batang iyan, pinapalo sa pwet para matuto!
FAKE MAMA 4: (baliw type) O Crispin, Basilio! Bakit kayo nagkaganyan?! Saan ako nagkamali!
FAKE MAMA 5: (manloloko type) Mga anak, umuwi na kayo. Matagal ko na kayong hinahanap! Alam niyo bang araw gabi kayo lang ang iniisip k0?
FAKE MAMA 6: (sosyal type) O poor little darlings! Won't you be my babies? (kinurot ang mga pisngi nila)
FAKE MAMA 7: (manyak type) O boys, baka nagugutom na kayo, pwede ko kayo ibreastfeed.
PULIS: Excuse me po! Ginugulo niyo na po ang presinto! Kailangan po ninyong magpa-DNA test muna para mapatunayan totoo ang mga sinasabi ninyo. Iimbestigahan din po namin ang family history nila...
KADAJ: *in shock* Anong nangyayari?! Bakit lahat yata ng matatandang dalaga sa buong mundo andito na?
LOZ: Si Pikori ang may kasalanan!
YAZOO: Oo nga, sugurin natin siya!
KADAJ: Tayo na!

Sa Fool Haus...
KADAJ: Nasaan si Pikori?
GAARA: Himalang nagbalik pa kayo at ngayon si Pikori naman ang hinahanap ninyo.
LOZ: Pikori!
YAZOO: Pikori lumabas ka riyan! Wag ka magtago!
PIKORI: Di ako nagtatago. Nasa kusina lang ako at hinahanda ko ang bedtime drink ninyo. Heto. *binigyan sila ng tig-isang baso* Breastmilk yan.
LOZ: EWwww... gross! (tinignan na parang lason)
PIKORI: Sa alagang baka ng kapitbahay naming magbubukid ko yan inextract. Binayaran ko nga siya dahil kanya pala yung manok na kinain natin nung isang araw. Btw, pinakuluan ko yan para hindi sumakit ang mga tiyan ninyo at makatulog kayo ng mahimbing. Teka, ano palang favorite lullaby ninyo. Ipapractice ko muna ang pagkanta habang iniinom niyo yan.
YAZOO: Alam mo bang nagkandagulu-gulo na sa labas dahil sa amin? Halos di na nga kami makatakas sa dami ng humahabol sa amin e.
PIKORI: Mga fan girls niyo?
LOZ: Girls ba yun? Eh parang mga gurang na eh!
KADAJ: Sa tingin mo anong gagawin namin sa iyo? U got us all into trouble... (blah blah blah watevah)
PIKORI: Tinulungan ko lang naman kayo hanapin ang Mother ninyo ah! Tapos pinakain ko pa kayo at pinatulog sa bahay na ito. What more do you want? What more do you need?
KADAJ: Lalo mo lang ginawang komplikado ang sitwasyon. Sana hindi ka nalang gumawa ng aksyon.
PIKORI: Kailangan ko lang iprove ang innocence ko na wala akong kinalaman sa pagdukot sa inyong Mother!
KADAJ: Di ka na namin kailangan. *nilabas ang weapon niyang Souba* Now you may rest in peace.
GAARA: *nilabas ang sand* Pikori, umalis ka na dito. Akong bahala muna sa mga mokong na ito. Kanina pa ako atat na makipagtuos sa mga ito.
PIKORI: Umm!
*Tumawag sa phone si Pikori...*
TIFA: Hello, Strife Delivery Service, you name it we deliver.
PIKORI: Hello, gusto ko po sana ipadeliver si Cloud dito ngaun din mismo.
TIFA: Naku, sori maam nasa Wanted Mansion po siya...
CLOUD: Akin na ang phone.
TIFA: Cloud, andyan ka pala? Kelan ka pa dumating?
CLOUD: Ngayon lang pagkalingon mo... Yes maam, sir? Si Cloud Strife po ito. How may I help you?
PIKORI: By delivering us from evil.
CLOUD: Sino ho sila? *nagsusulat sa papel*
PIKORI: Sina Kadaj, Loz at si Yazoong-Yazoo.
CLOUD: Hindi po. Yung name po ninyo.
PIKORI: Pikori.
CLOUD: Anong address ho nila?
PIKORI: Fool Haus.
CLOUD: Ah ang kapitbahay ni Shogo.
PIKORI: Mawa-wipe out niyo po ba yung mga pesteng ito sa bahay namin in just minutes?
CLOUD: Sige po. Pakihintay nalang po kami.
PIKORI: Magkano bayad?
CLOUD: Pag-usapan nalang po namin pagkatapos ng trabaho.
PIKORI: Ah pwede pang padagdag?
CLOUD: Hmmm?
PIKORI: Gusto ko rin sana magpadeliver ng mga photos mo, with autograph ha?! Saka pakisama na rin yung profile mo at saka mga favorites...
CLOUD: Sorry maam pero we don't give private info for security reasons.
PIKORI: Eh di photos mo nalang.
CLOUD: Sorry rin po, pero we don't deliver such goods.
PIKORI: Hay naku, dilly dally shilly shally!
(end of conversation)
GAARA: Ano bang ginawa mo sa telepono?
(Nagkakabagyo na sa buong kabahayan)
PIKORI: Mamaya magkakastrife na dito.
(Lumipas ang ilang minuto wala pa rin si Cloud)
PIKORI: (naiinip) Hay ang tagal naman... (nagkaroon ng brilliant idea) Aha!... Kadaj, may bago na si Mother!
KADAJ: Talaga?
PIKORI: Mismo! Heto siya, new palmolive natural conditioner... (nilabas ang shampoo)
KADAJ: Mother! (inagaw ang palmolive at binuksan) Hmmm... ang bango ni Mother!
YAZOO: Siya nga!
LOZ: Nagbago na nga si Mother.
(Dumating na sina Cloud Strife kasama sina Shogo, Ichigo at Naruto)
PIKORI: Ngee ano to blonde men's association?
SHOGO: Tikman mo ang lupit ng samahang Wanted Mansion!
NARUTO: Yeah man! Hero's come back!
ICHIGO: Tapusin na natin ito dali at inaantok na ako!
YAZOO: It's big brother!
KADAJ: (to Cloud) Brother, Im with her at last!
CLOUD: So what's gonna happen now?
KADAJ: Mother's going to tell me. (sinisinghot ang shampoo na parang lumalanghap ng shabu at lumabas nalang ng bahay habang sumusunod sa kanya ang kanyang dalawang kapatid na manghang-mangha sa bagong look ni Mother)
SHOGO: Teka, paano nangyari yun? Wala pa nga tayong ginagawa umalis na sila.
ICHIGO: Wala na pala tayong gagawin eh di umuwi na tayo.
NARUTO: Bah ang tinik pala natin. Nagpakita lang tayo, umalis na agad sila.
CLOUD: Parang may mali dito. Ikaw, si Pikori hindi ba? Ikaw yung tumawag sa amin.
PIKORI: Oo ako nga! At totoong may mali nga! Late na kayo oy! Di ako magbabayad sa service nyo!
GAARA: Ang weird ng istilo mo!
SHOGO: At least naresolve thru peaceful means.
PIKORI: Eh sino ba kasi ang Mother ng mga yun no?
CLOUD: Si Jenova.
PIKORI: Ah mga Jenova's witnesses pala sila!
SHOGO: Sayang naman pinunta natin dito. Wala rin naman palang makakalaban. Teka alam ko na! Hoy Pating lumabas ka dyan!
KISAME: Inaykupo! Di pa nga ako nakakarecover eh!
....
(Samantala ang pamilya ay nagreunion sa bathtub. Ineenjoy ng magkakapatid ang moment nila with mother habang minamassage nila at shinashampoo ang scalp nila.)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home