Scratch Paper

Where the only thing you can do is scratch your head...

Thursday, April 19, 2007

Fool House Treasures

PIKORI: (pinakita ang isang treasure map sa kanyang housemates) Tignan nyo to. Isa itong mapa ng kayamanan. Matatagpuan natin dito sa ekis na ito ang earth gem!
KIMIMARO: Saan mo naman nakuha yang mapa na yan?
GAARA: Anong earth gem?
KISAME: Totoo ba yan?
PIKORI: Teka isa isa lang ang tanong. Genuine ito. Tignan nyo't naninilaw na yung papel sa kalumaan.
GAARA: Baka yellow naman talaga kulay ng papel na yan.
PIKORI: Eh di yellow pad na sa sobrang kalumaan eh natanggal na yung linya! Binigay ito ng isang magtataho na tinulungan ko pagaanin ang kanyang pasan-pasan na taho. Bait ko no?
KISAME: (sarcastic) Bait mo nga. Grabe!
KIMIMARO: Ano nga uli yung earth gem?
PIKORI: Merong tinatawag solar system gems na nakatago ilang milyong libong daang taong nang nakalipas sa ilalim ng lupa. Mga bato ito na inukit ng mga alien mula sa semiprecious stones at pinaniniwalaan na kahawig ng mga batong ito ang anyo ng mga planeta sa solar system. Isa na rito yung earth gem na ang hugis, anyo at kulay tulad sa planetang earth from afar!
(Inimagine nila ang gemstone na parang hawak hawak nila ang earth sa kanilang mga kamay. Convenient! Parang pinagaan ang sentensya ni Atlas! Ang gandaH!)
KISAME: Pero totoo ba talaga yan? Ba't nakalagay sa sulok "Legend".
PIKORI: Oo nga no? Eh di isang alamat lang pala ito!
KIMIMARO: Legend? Mga symbols yan eh.
GAARA: Wala namang masama kung susubukan.
PIKORI: Kung sabagay, try and try until you die.
KISAME: Pero duda pa rin ako dyan. Sino bang magtataho ang nagbigay niyan?
PIKORI: Di ko nga alam eh. Bigla nalang siya nawala paglingon ko.
KIMIMARO: Diwata.
KISAME: Mandarambong!
PIKORI: Multo!
KISAME: Baka scam to. Ano sa palagay nyo?
GAARA: Puntahan natin ang mismong lugar nang malaman ang katotohanan.
PIKORI: Oo nga, let's search for the truth!
(Pinuntahan ng Fool House Team ang lugar ng ekis sa mapa at sa mismong target place, inilapat ni Pikori ang kanyang tenga sa lupa)
PIKORI: (nakikinig sa lupa) Naririnig ko na. Andito na nga yun.
KISAME: Nge, ba't mo ginagamit tenga mo? Naririnig ba ang isang bato?
KIMIMAMARO: Baka pinapakinggan niya ang usapan ng mga langgam.
KISAME: Tsismis lang yan.
(Inilabas ni Pikori ang isang kutsara)
PIKORI: Okay, magsimula na tayo maghukay. (ginamit ang spoon sa paghukay)
GAARA: Nakalanghap ka na naman ata ng rugby. Anong ginagawa mo sa isang kutsara na yan?! (inagaw ang kutsara)
PIKORI: Eh yan lang ang kaya kong dalhin eh. Alangan naman magbuhat ako ng pala.
KISAME: Eh paano mo nabuhat yung taho?
PIKORI: Sinong nagsabing binuhat ko yun? Sabi ko pinagaan ko lang!
KISAME: Paano?!
PIKORI: Eh di kinain ko.
GAAKISAKIMI: Ngek!
GAARA: Tumabi nga kayo. Ako nang bahala dyan.
PIKORI: Di ko alam na maginoo ka pala!
(Ginamit ni Gaara ang kanyang sand techniques para mahukay ang kailaliman ng lupa and in just a second nakagawa na siya ng malaking crater nang walang kahirap hirap. Ni di nga pinawisan si Gaara. Sabay sabay nilang sinilip ang butas at nagkauntugan pa.)
PIKORI: Aray! Ang titigas kasi ng ulo niyo!
KISAME: Bakit? Meron bang malambot na ulo?
PIKORI: Oo! Ulo ng jellyfish! Si Spongebob!
KIMIMARO: Malambot kaya ang ulo ng isda.
KISAME: He, mga walang kwentang kausap!
KIMIMARO: Sinabi ko lang isda naapektuhan ka na agad. Sensitive ka talaga pagdating sa ganyang usapin.
PIKORI: Buti pa si Kimimaro matigas ang bungo at si Gaara may armor of sand. Ako... *sniffs*
GAARA: Makapal naman ang buhok mo.
PIKORI: Oo nga no! Yey!
KISAME: Ang ganda ng bato!
KIMIMARO: Kayamanan nga yang maituturing.
PIKORI: It has an earthly beauty!
GAARA: Idonate natin sa museum.
KIMIMARO: Gagamitin ko yan sa engagement ring ko para kay Peropero.
KISAME: Akin yan. Magkakamatayan muna tayo bago nyo makuha yan. (nilabas ang samehada)
PIKORI: Sige magpatayan nalang kayo. Para pag patay na kayo at nanghihina, pwede nyo na sa akin ipamana ang kayamanan.
KISAME: Kasama ka rito no! Wala ka sa bahay kaya wala kang powers over me.
PIKORI: Ayoko nga makipag-away sa samehada mo. It's so unfair.
KISAME: Di talaga ako fair!
PIKORI: Oo kasi ugly ka!
KISAME: Tatamaan ka sa kin. (hahampasin ng samehada)
(Inilabas ni Gaara ang sand shield at gumawa rin ng panangga si Kimimaro originally made from his bones para protektahan si Pikori)
GAARA: Di nga patas. Sa bahay nalang natin pag-awayan.
KISAME: Masyado siyang makapangyarihan sa loob ng bahay. Hindi rin patas yun.
GAARA: Ba't di nalang natin paghatian.
PIKORI: Paano yun? North, South, East and West? Naku, masisira ang earth!
KIMIMARO: Eh di maglaban tayo gamit ang pantay na level na skills natin.
PIKORI: IQ quiz!
KISAME: Ayoko niyan!
PIKORI: Bunutan.
KIMIMARO: Jack en Poy!
GAARA: Kaysa naman maglaban.
KISAME: Bahala na.
LAHAT: Jack and Poy, Hale hale hoy!
(nanalo si Kim)
KIMIMARO: Mukhang natalo ko kayo ah.
GAARA: Di naman talaga ako interesado dyan eh.
PIKORI: *cries* Goodbye earth!
KISAME: (nanggagalaiti sa galit) Ako, natalo sa jack and poy? Hindi ito tama!!!
KIMIMARO: (kinuha ang earth gem) Pasensyahan nalang. Para kay Peropero to.
KISAME: Aanhin naman ng isang aso yan?
KIMIMARO: Tsk. Tsk. Tsk... Ako na ang may-ari nito. Wala ka nang magagawa pa. (Nilagay ang bato sa bulsa)
[Chorus]
Ika’y ginto sa puso ko
Sana ito’y malaman mo
Wala nang yaman sa mundo
Ang mas hihigit sa yo
Wala nang hahanapin pa
Sa yo ako’y kumpleto na
Walang yamang mas hihigit sa yo...

KISAME: Hoy Pikori, asan na ang ibang solar system stones na yan ha?
PIKORI: Aba malay ko. Isa lang ang mapang binigay sa akin ni Mr. Taho.
KISAME: Hanapin mo siya. Tanungin mo kung nasaan yung iba.
PIKORI: Naglaho na nga siya kasabay ng taho.
KIMIMARO: Ibig sabihin kinain mo lahat yung taho?
PIKORI: Oo.
KISAME: Baka kinain mo rin pati ang magtataho?
PIKORI: Ngee... Anong tingin mo sa akin, dinosaur? Eh Mas mukha ka pa ngang mangangain ng tao eh.
KISAME: Eh ikaw mukha ka ngang tao pero di ka tao. Alien ka! Nagbabalatkayo ka lang para magmukha kang cute. Pero di ka cute sa paningin ko!
PIKORI: Eh ikaw mukha kang hayop pero di ka lang hayop. Syokoy ka! Nagpapakatao hindi naman tao!
KISAME: Alangan naman magpakahayop ako!
PIKORI: Hayop ka na nga eh!
KISAME: Ang gulo mo!
PIKORI: Naguguluhan kasi ako sa pagmumukha mo.
KISAME: Amoy lupa ka na nga kasi dumikit ka kanina sa lupa.
PIKORI: Aba sino kaya sa atin lahat ang amoy lupa?
(Napatingin ang lahat kay Gaara na nanlaki naman ang mata sa gulat dahil napasali siyang bigla sa usapan)
GAARA: ANO?
KISAME: *inamoy si Gaara* Amoy lupa nga. Amoy buhangin. Achoo!
GAARA: Wag nyo nga ako isama sa away niyo. Labas na ako dyan. (lumayo kasi naconscious)
PIKORI: (kay Kisayme) Eh ikaw amoy tubig!
KISAME: May amoy ba ang tubig?
PIKORI: Oo amoy tubig dagat, amoy tahong!
KISAME: Ikaw amoy hangin!
PIKORI: Wala namang amoy ang hangin ah!
KISAME: Meron, utot! (tumawa nang malakas)
PIKORI: (napikon) Isa kang hampastubig! (sinampal nang malakas na malakas kaya umuka ang pisngi ni Kisame at bumaon ang kamay niya rito)
GAARA: Lagot na. May grudge na siya kay Kisame. Maactivate na ang kanyang Ju-on powers.
KIMIMARO: Para silang mag-asawa kung mag-away.
KISAME: Anong sinabi mo?! Kahit kelan di ko magiging asawa yan no! #$%@@#$$#$^&*(&*(&*&&^^%$%^&&*!!!!
PIKORI: (naduduwal) Magpapatihulog nalang ako sa balon no!!! Mumultuhin ko siya habang buhay hanggang mapunta siya sa Mental Hospital for Animals!
GAARA: Lugar yun ng mga asong ulol.
KIMIMARO: Para nga silang mag-asawa. Dun nga galing ang salitang "sawa" e. Ngayon palang nga NagkakaSAWAaan na sila ng pagmumukha!
PIKORI: Mukha ka na ngang makunat eh. Di pa umaabot ng 60 eh mukha nang gurang!
KISAME: Eh ikaw isip bata ka pa rin. Bumalik ka kaya ng grade 1?
PIKORI: At least young at heart! Lolo ka na pero ako yata ang magkakaheart attack sa iyo. May gosh!
KISAME: Ako naman nasisiraan na nang bait sa iyo! Malapit na magdilim ang paningin ko!!! Ililibing na kita dyan sa hukay na yan.
PIKORI: Ang cheap mo naman. Ako gusto ko may kabaong para class. Sa iyo bagay ang ganyang klaseng hukay. Ipikit mo nga mata mo.
KISAME: Wala akong eyelids! Paano ko magagawa yun?
PIKORI: Eh paano magdidilim ang paningin mo?
KISAME: Ikaw talaga! Walang karespe-respeto.
PIKORI: Coz you don't deserve any respect. Kahit mano wala kang matatanggap sa akin.
KISAME: Kasalanan ko ba kung pinanganak akong ganito?
PIKORI: Kaya ka nagkaganyan dahil marami kang kasalanan!
GAARA: Ibig sabihin matindi ang mga kasalanan niya. Grabe! Hindi masukat.
KIMIMARO: Mukhang hindi nga makatao ang isang ito. Ipinanganak atang walang puso.
PIKORI: Tama! Atay lang at gills.
GAARA: Kaya nga kulay blue ang balat eh.
KISAME: Ah talaga! Oo na. Class S criminal ako eh!
PIKORI: Class Syokoy, Class Shark o Class Seafood. Alin dun?
GAAKIMI: All of the above.
KISAME: Oo marami akong kasalanan. Gusto nyo bang dagdagan pa ng isa? (nanginginig na ang kamay sa galit)
PIKORI: Wag na. Papangit ka pa lalo.
GAARA: Concerned lang kami sa looks mo.
KIMIMARO: Diba don't judge a book by its cover?
PIKORI: Eh di naman book yan eh. Fish yan!
KIMIMARO: Eh di don't judge a fish by its scales.
KISAME: (looks evil at Kimimaro) Tama, don't judge a fish by its scales. Kaya mag-ingat ka! Kayong lahat! Magbabayad kayo ng mahal sa pang-iinsulto ninyo sa akin. Di niyo alam kung anong kaya kong gawin sa inyo! (Sa sobrang galit at gutom kinain niya ang bantog na magnanakaw na si Lupin na nagtatago sa likod ng puno ng balete hanggang sa matinik siya rito)
KISAME: (nabulunan) Tubig!
PIKORI: Totoo nga matinik nga si Lupin.
GAARA: Mas matinik pa sa isda.
KIMIMARO: Tulad ni Kisame.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Koutarou: nakupo!
Naruto: we will face the wrath...
Itachi: of Kisame!

INK's: takbo na tayo sa base natin!

Itachi: tawagan natin si Luchia-chan, Koutarou?

Koutarou: hinde pwede yung prinsesa, baka nakikipag-date siya kay Kaito.

Itachi: si Hanon kaya?

Koutarou: mas lalong hindi! nakikipagdate pa rin kay Taro.

Itachi: eh si Rina?

Koutarou: pwede rin, eh papaano naman si Naruto?

Itachi: patay, nag-Kyuubi mode si Naruto kay Rina na may disguise na bilang si Haku.

Saturday, April 21, 2007  

Post a Comment

<< Home