Scratch Paper

Where the only thing you can do is scratch your head...

Monday, January 01, 2007

Have Yourself a Very Scary X'mas

Magkasama si Kimimaro, Peropero at Pikori sa sala on Christmas Eve. Nanonood sila ng "The Nightmare Before X'mas".



PIKORI: Kimimaro, what's your Xmas wish?
KIMIMARO: I have a house, I have my Peropero. What more could I wish for?
(Lumitaw mula sa likod ng pine tree na pinugot ni Kisame mula sa Baguio sina Kisame, Gaara at Peropero nang tumunog ang orasan ni lolo)
PIKORI: Oy, pasko na housemates ko!
KISAME: Di naman ako nagsecelebrate niyan e.
PIKORI: Halloween lang naman ata pinagdiriwang nyo e dahil dun kayo nababagay.
GAARA: No choice kami. Tuloy na tuloy pa rin ang pasko.
PIKORI: Oo naman, dahil dahil bday ni Jesus.
KIMIMARO: Pero di kumpleto ang Pasko kung walang Santa Claus.
KISAME: Yan o si Pikoy, tumataba.
PIKORI: Kulang pa rin kung walang Rudolf, kaya hetong sa iyo. (sinuntok sa ilong si Kisame para maging Kisame the Red nosed Sharkie) Tapos ikaw, Gaara, ang dwarf ko.
KISAME: Aray ko! Lang hiya kang alien ka!
PIKORI: Aray mo talaga!
KISAME: Wish ko sana makalayas na ako sa pamamahay na ito.
PIKORI: Di pa pwede. Tuloy ang Naruto, tuloy ang Fool Haus. Nirenew ko na kontrata natin para may next season pa tayo.
KISAME: ANak ng... @##$%$#%^&^^$%#@!!!
KIMIMARO: Ano ba! Pasko ngayon, show a little respect.
PIKORI: Wish ko sana tuloy tuloy ang Fool Haus.
GAARA: Gusto ko maging Kazekage.
PIKORI: Ha? Kamikazeekage?
GAARA: Makapal na ba tutuli mo?
PIKORI: In thin layers pa lang naman.
KISAME: Anong handa natin?
PIKORI: Magsimba muna tayo para makakain ng puto bumbunan saka tayo tuloy sa Wanted Mansion. Doon tayo makikinoche buena dahil nagluto si Kazuma Azuma!
KISAME: Hay salamat, makakalaya tayo mula sa galamay ni Pikori ngayon. We'd better not cry and we'd better not pout! Tatagay tayo! Nais kong magpakalasing!
PIKORI: Ulol! Drink moderately.
KIMIMARO: Wag ka na uminom. Baka gumanda pa si Pikori sa paningin mo. Magsisi ka lang.
PIKORI: (sinundot si Kimimaro sa tiyan gamit ang condemning pointing finger. Sa tiyan niya sinundot kasi walang buto doon) Hoy! anong ibig mong sabihin dun?
KISAME: (nakapag-isip isip ang tanga) Oo nga no?! Wag nalang.
KIMIMARO: Tinutulungan ko lang si Kisame maging health conscious.
PIKORI: Health conscious? Turuan mo muna siyang maging conscious sa mukha niya!
GAARA: Wala nang pag-asa yan. Tatanda nalang yan at mabubulok na ganyan ang pagmumukha.
KISAME: Maging conscious ka sa pigure mo nang di kita tawaging Pigori.
PIKORI: Aba! Di mo ba alam maswerte ang matataba sa Year of the Pig? Wala akong pambili ng pigurine kaya ako na lang. Oink oink! Bababuyin ko kayo lahat!
(Hinabol sila ni Pikori at nagtakbuhan lahat patungong simbahan upang makaiwas sa mapambaboy na mumu)

(Noong Bagong Taon naman sinindihan ni Pikori si Kisame. Nagpaputok kasi siya ng fish crackers. Maligong BagOOng Taon nalang para kay Kisayme na lumipad at naging Pisces sa kalawakan. Kaya nagbagong taon ang syokoy sa ospital kasama ng mga naputukan. Nagulat ang mga doktor at nurse sa kanilang pasyente dahil sabog na sabog ang pagmumukha nito. Di rin sila makapaniwala na nahulog ito mula himpapawid at hinala ng mga pulis naputukan ito ng mga fireworks sa langit. Inakala naman ng mga psychic na ang pagbagsak ng isang Syokoy mula sa taas ang tanda ng kamalasang darating sa taong darating. Kay Gaara naman, isang bagong taon uli na walang tulugan kaya nga walang nagreregalo sa kanya ng unan. Ni ayaw nga siya bigyan ni Pikori ng sariling kwarto sa bahay kasi di naman daw tutulugan. Si Kimimaro naman ay nagtorotot gamit ang buto niyang hinugis trumpeta. Silang dalawa ni Peropero ay nagbabalak na magpakasal sa 2007. Si Pikori naman ay di ko alam kung magiging mabait pa sa housemates niya. Sabi kasi dati sa kanya ng mga room mates niya sa Mental Institution, "Hope you never change.")

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Lahat pasok kasama si Kisay-me

Nag-agree si Cho Hakkai dahil may sariling Christmas Party kasama si Gaara, si Coud, si Chrono, si Athrun, yung batang Sensui at iba pang characters!

Tuesday, January 09, 2007  

Post a Comment

<< Home