Baking in the Fool Haus
(Naghahanda si Pikori ng mga ingredients sa Q-sina.)
KISAME: Ano na namang kabalastugan yang ginagawa mo?
PIKORI: Meron ata tayong espesyal na bisita mamaya.
KISAME: At paano mo naman nasabing espesyal?
PIKORI: Dahil lulutan niya tayo ng isa sa kanyang specialty!
(Napaisip tuloy sina Kisame at Gaara kung magkakaroon sila ng Cooking in the Fool House. Nagtalo pa nga sila kung si Jang Geum o Lady Han ang pupunta. Nakuha pa nilang maalala si Cooking Master Boy Mao. Hanggang sa isang katok ang nagpagulantang sa kanila.)
3 STOOGES: Andyan na siya!
(Bumulaga sa kanila si Kazuma Azuma)
KAZUMA: Musta? (kumaway-kawaii)
PIKORI: Kazuma-chan, tuloy ka!
(Whole heartedly din siyang tinanggap ni Kisamok at Gaarok. Palibhasa atat na silang makatikim ng totoong pagkain.)
KAZUMA: Nge, ba't ganun? Amoy anchovy sauce.
PIKORI: Ang sosi mo naman. Pa-anchovy anchovy ka pa. Pagpasensyahan mo na. Amoy bagoong talaga dito pag di pa nakaligo ang lolo mo.
KAZUMA: (napahiya at napayuko sa nangangamoy na Kisamoy) Naku, pasensya na po T'yo Lolo. Di ko po alam na kayo po yun.
KISAME: (nainsulto) Hoy bata, nananadya ka ba?
KAZUMA: (paulit-ulit na yumuyuko at nagmamakaawa) Naku, sori na po talaga, pasensya na, di ko sinasadya, wala po talaga akong alam...
KISAME: Che! Lumayas ka sa harap ko at magluto ka na! At isa pa, tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng T'yo Lolo!
KAZUMA: Opo, lolo!
KISAME: Gusto mo bang isalaksak kita sa oven? Kisame ang ngalan ko. KI-SA-ME!!!
KAZUMA: Eh k-kasi s-sabi po ni Pi-chan yun eh. S-sori po, Ki-san!
(Parang naihaw si Kisame sa galit. Bakit lagi nalang ngetpa ang palayaw na binibigay sa kanya? Ki-san. Parang shortcut ng kinaliskisan. Para pang sinabi na "kissan mo ako". Pweset!)
"In da right corner, wearing a headband. Coming from Yakitate Ja-pan, an employee of Pantasia's Southern Tokyo Branch and having solar hands... KAZUMA AZUMA!" (sigawan at palakpakan)
"In the left corner, measuring 5'2" in length and 1'3" in width. Living in the fool house, nothing but a second rate trying hard copyalien having lunar hands (as in lunatic's hands)... PIKORI!" (kalampagan at kalabugan)
"Ipis and gentlepests, let's get ready to crumple!"
Nagsimula na magmasa si Kazuma ng dough-dough. Si Pikori ay inulan ito ng mga suntok at saka dinaganan.
KAZUMA: Pi-chan, mali naman yang ginagawa mo. Ang baking hindi wrestling!
GAARA: Yan pa. Laging nakikipag-away yan sa kusina. Minsan akala mo kung sinong kakatay ng gulay.
PIKORI: Dahil ang pagluluto para sa akin ay parang giyera at ang mga gamit sa kusina ang aking mga sandata. (kinuha ang sanse at ginawang espada, ang sandok iniswing na parang pamalo, at hinimas ang patalim ng kutsilyo at tinignan sila with a killer's smile)
(Tinubuan ng goosebumps ang tatlo)
KAZUMA: (pinagpapawisan) Ah eh Pi-chan, magluto na tayo.
PIKORI: O sege! (at pinagpatuloy ang panggugulpi. Hinagis hagis , pinagkukurot, pinagsusundot, pinagpipisil, pinaghahampas, pinagsasampal, pinagmumudmod at pinaglalapirot niya si Dough-rina. Inabsorb ng kawawang dough ang galit ng kanyang taga-hugis kaya nagmukha na itong grumpy.)
After 30 minutes...
KAZUMA: Ayan, luto na ang Ja-pan 592 ko. Ang JA-PANUTSA! Tikman ninyo.
(Di na agad nag-aksaya si Kisame ng one moment in time. Nilapa niya ang tinapay. Nang masatisfy ang cravings ng kanyang bituka, unti-unting nalagas ang buhok niya. Napanot siya sa sarap!)
KAZUMA: Hinaluan ko yan ng panutsa. Isa yung minatamis na galing sa niyog. Gaara-kun, subukan mo rin.)
(Nagdalawang isip si Gaara. Ayaw niyang makalbo. Ayaw niyang malagay sa kahihiyan tulad ng hairless fish sa tabi niya na hanggang ngayon ay nakanganga at tulero)
KAZUMA: Wag ka mag-alala. Meron akong dalang shampoo na mabilis makakapagpatubo ng buhok.
GAARA: Akin na muna ang shampoo.
(Inabot ni Kazuma ang sachet)
GAARA: Shampoo ng kabayo to ah!
KAZUMA: Oo, hahaba hair mo niyan. Maniwala ka.
(Madaliang dinala ni Gaara ang japanutsa sa banyo at doon na ito kinain)
PIKORI: Tada! Tapos na rin ang akin.
(Without warning, ininsert niya sa nakabukang bibig ni Kisamei ang kanyang inedible bread. Napaubo at almost machoke to death siya. Nilunod niya tuloy ang sarili sa gripo. Isang red-haired Sadako pa ang lumabas mula sa paliguan at muntik na makadagdag sa high blood niya.)
GAARA: Ako lang 'to!
(Lalapit sana si Pikori kay Gaa-tsong to give him a piece of her bread ngunit bigla itong nagbalik sa banyo at nagkulong doon. May phobia na ata ang bata. Sa galit, pinagbabato ni Pikori ng tinafay ang fintuan. Nagkauka-uka na ito ngunit wala pa ring Gaarang lumalabas.)
KAZUMA: Relax ka lang. Pi-chan. Heto sa iyo na to. (inofferan ng bread)
PIKORI: Gusto ko pakainin mo ako ng Petalite mo.
KAZUMA: Pero wala akong ingredients para dun ngayon.
KISAME: Tse! Di ka makakarating sa langit! Sisipain ka lang nila palabas doon.
PIKORI: Wag na nga lang. Balita ko entrance lang ang mapapasukan mo. Tsaka bar yun eh. Di ako umiinom ng alak.
KISAME: Aysus, sourgraping!
KAZUMA: Eh Pi-chan, bakit ba ganun na lang ang pagnanasa mong makarating sa langit?
PIKORI: Hay Kazuma-chan, I've been to hell and believe me, kamukha niya ang mga demonyo roon. (points an accusing finger at the class-Seafood criminal). Di ako makakatagal nang ganun. Dontcha know I've been living my life here in hell?
KISAME: (todo kontra) U liar! Kung ako ang demonyo, ikaw ang jablo rito! Ikaw nga mismo ang nagpapaimpyerno sa bahay na ito eh! Wag mo baligtarin ang sitwasyon!!! (nagkikiskisan na ang mga pangil sa galit)
PIKORI: (napakapit kay Kazuma) Waaaah! Look! Isn't he scary? Isn't it enough to convince you of his frightening nature? (nasheshake rattle and roll) H-he s-sc-cares m-me s-so!
(Di alam ni Kazuma kung paano magrereact kaya sinahod nalang niya sa baking pan ang crocodile tears ni Pikori. Nang makakolekta na up to the brim, huminto na siya.)
PIKORI: Pakitabi nalang sa ref yan. Pwede pa yan for future use.
(Habang ini-store ni Kazuma ang salty water, napansin ni Pikori si Kisame na galit na bubulong bulong sa hangin.)
PIKORI: Hei, you Son of a Fish!
KISAME: @#@#!#$%witch!
PIKORI: Stinking Sharkface!
KISAME: Ah! Go to hell!
PIKORI: To hell with you! In hell, they will deep fry you!
(Nadatnan ni Kazuma na sinusuka with their whole heart ang isa't isa.)
KAZUMA: Tama na yan pls! Wala na bang pagmamahal sa bahay na ito?
PIKORI: Meron. Nakakulong pa sa banyo.
KISAME: Hoy bata, mabuti pang masahiin mo nalang likod ko.
(Lumabas si Gaara. He already cut himself, I mean, ginupitan na niya ang sarili niya. Wala na siyang anong-paki-mo-sa-long-hair look.)
GAARA: Di ka maaaring magpamasahe sa kanya. Mapiprito ka lang dahil sa solar hands niya.
KAZUMA: Pero di naman umaabot ng 100 degrees C ang temperature ng kamay ko.
PIKORI: Ah gusto mo palang samantalahin ang solar hands niya ha! (Hinawakan ang palad ni Kazuma) Oo nga no! Warm and cozy. Pwedeng incubator.
KAZUMA: Aray! Napaso ako sa lamig ng kamay mo. Icy hands!
PIKORI: Arrrrte mo naman. Porket lunar hands lang ba tong akin?
KAZUMA: Nagkaclash kasi ang init at lamig. (kinuskos ang sawing palad)
PIKORI: Clash! Clash! Ba-clashin kita dyan e. (hinagisan si Kazuma ng flour sa mukha)
(Gumanti si Kazuma at pinulbusan na nila ang isa't isa hanggang sa maging kahawig na nila sina Kayako at Toshio. Dumistansya na rin si Kisame nang makutubang matatamaan siya ng mga ito. Alam kasi niya ang karaniwang procedure matapos mabalutan ng harina ang isang isda. Nagtawanan na lang sina Pikori at Kazuma nang napaliguan na sila ng flour from head to toe. Sa tingin ko pwede na rin sila ibake. Magkaakbay silang kumakanta to the tune of Pandesal by Viva Hotmen)
"Ja-pan! Ja-pan sa umaga, Ja-pan sa tanghali, Ja-pan sa merienda, Ja-pan sa gabi, Ja-pan masarap pag may kape...)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home