My 1st Acute Psychotic Episode
Ang Acute Psychotic Episode ko ay ang pansamantala kong pagkabaliw at pagkawala sa sarili. Maraming kahibangang nangyari sa akin dito. Magugulat kayo dahil natatandaan ko pa ang marami sa mga nangyari. Sinulat ko na agad ang mga ito sa papel nung araw matapos ang pangyayari. Wag sana kayo matakot sa kin pag nabasa niyo ito. Di ba friends tayo?
- Napangiti ako kasi naisip ko na dapat nakasmile ako para maganda ako bago ako mamatay. Baka tuparin na rin kasi ni Lord yung photogenic face na pinapangarap ko.
- Naisip ko kung saan ako ililibing at kung kanino ko ipapamana ang mga gamit ko. Naisip ko ring baka macomatose ako.
- Nagdagsaan na yung mga nurses at doctors sa paligid ko. Nagwawala na ko kaya hinawakan nila ako.
- Pinagsisigaw ko paulit-ulit ang pangalan ni Jesus. Minsan napapa-english pa ako. "Jesus! Jesus!" "Jesus, help me!"
- Akala ko Apocalypse na at natutupad na ang mga sinasabing prophecies sa bible.
- Sabi ko wag matakot. Pupunta ako sa Kingdom of God. Dun rin sila pupunta. Magkakasama rin kaming pamilya, mga kaibigan ko at mga karapat-dapat. Wag mag-alala dahil ang Kingdom of Heaven ay tulad rin sa earth, mas maganda nga lang dahil may peace, happiness and justice na at maganda pa dahil may ozone layer na at malinis. Hindi naman parang Taong Tabon eh. Sabi ko na sabi raw nila na may ozone layer pa rin daw ang mundo pero ang totoo wala na. Tinatanong ko pa kung sinong may skin cancer dyan. Tinanong ko rin sa kanila kung gusto ba nila dito sa mundong ito na puro kurakot? Yung mga kabataan nagsesex at nagcocondom na. Yucky! Tapos ang babastos ng mga palabas sa tv lalo na yung GMA7. Tanong ko sa nurse, nanonood ba siya dun? Diba si Joey de Leon ang bastos ng bibig? Tatango yung nurse.
- Natakot at napaiyak ko ang mama ko. Sabi niya wag ko raw siya iiwan.
- Natakot ako na baka pakuin ako sa krus at malatigo na parang tulad kay Jesus. Nagsisisigaw ako ng "Mama! Mama!" Iniisip ko na parang si Mama Mary si Mama at ako si Jesus na papakuin na sa krus. Tapos mamaya-maya mag-aarte ako na parang si baby Jesus.
- Hinahanap ko raw si Jesus... "Jesus, where are you?" "Jesus, nasaan ka na?" "Jesus, ikaw ba yan?" "Jesus, ikaw na nga!"
- Di ko na kontrolado mga sinasabi ko. Sabi ko sa kanila na di ako nasasapian pero ang totoo natatakot ako dahil pakiramdam kong pinapasukan na ako ng demonyo kaya panay ang tawag ko ng Jesus para kontrahin yun.
- Nagbabalat na yung labi ko. Binabasa na ni mama ng cotton na may tubig.
- Ngingiti ako, tatawa, iiyak, matatakot at magagalit.
- Sabi ko andun yung devil malapit sa kin at baka kunin ako kung di nila ako hayaan pumunta kay Lord.
- Sabi ko nga sa isa sa mga nurse na hiniwalayan siya ng kanyang asawa. Nananakot pa ko ng ilan. Yung isa binantaan kong babalian ko ng paa at kakainin. Mananakit pa ata akong bigla.
- Di ko alam kung sinong unang tumawag sa phone. Hiniling ni mama na ipagdasal ako ni Auntie Pacing.
- Andami kong bible verses at stories na binanggit. "Whatever you ask in my name shall be given unto you." "Ask and you shall receive..." "I've come with a sword..."
- Nagsasalita rin ako na parang kinakausap ko si Jesus. Hindi ko naririnig boses niya at di ko rin siya nakikita pero nararamdaman ko lang na kinakausap niya ako sa puso.
- Nasabi ko pa kay Lord na alam kong tutuparin niya lahat ng kahilingan ko at okay na sa kin kahit di na niya ibigay yung material things na hinihiling ko. Ngek! Sabi daw ni Lord sinungaling ako. Totoo ngang sinungaling ako. Sabi daw Niya na dapat may faith. Sabi ko dapat silang lahat meron nun. Yun ang magliligtas sa kanila hindi religion. Tinanong ko pa kung sinong may faith sa kanila. Nagpahanap pa ko ng isang bata. Sabi ni Lord ako daw dapat yun. Ako? Umamin akong kulang ang faith ko. Tao rin naman ako at di talaga alien with matching hehe. Nainis ako sa sarili ko dahil may doubts pa rin ako. Sabi ko pwede ba gawing gift na lang sa kin yun? Di raw pwede, kasi dapat sa kin galing mismo. Nagbanggit pa ako ng conversion of sinners tulad ni St. Paul at yung doubt of faith daw ni Peter (o baka Thomas). Tinutukoy ko ata yung pagtanggi at pagtatago kasi ni Peter. Namention ko rin yung gifts of the Holy Spirit na binigay sa apostles.
- Pinipilit ko sa kanilang lahat na magpray sila tapos sabihin nila "Jesus." Ayaw nilang lahat. Naiinis na ako. Sabi ko kina papa wag magdasal ng memorized prayer pero nagdasal rin ata ako ng Our Father, Hail Mary at Glory Be. Sabi ko pa kailangan may faith sila para makarating rin sila sa kingdom. Kailangan sama-samang magdasal silang lahat with unity for the coming of Kingdom of God upang mailigtas ang lahat ng mabubuti at inaapi.
- Panay faith ang binabanggit ko. Pati nurse pinagdiskitahan ko na...
TP: Faith pangalan mo?
NURSE: Hindi. (smiles)
TP: Hehe! Smileyface! - "Sabi mo sa akin lahat ng hilingin ko sa pangalan mo matutupad-" (Di ko na alam ang kasunod ng isang verse sa bible). "Di ko pa nabasa buong bible. Pwede po bang ipasok niyo nalang yung bible sa akin?"
- Pinakuha ko yung bible at gusto ko magpabasa ng isang verse. Matthew 23:24 sabi ko. (ewan ko labo naman)
- Nilait ko rin yung Catholic Church kasi puro discrimination raw ang ginagawa nila at puro memorized prayers lang ang dinadasal.
- Pumipikit-pikit pa ako. Akala ko katapusan ko na pero di naman ako kinukuha ni Lord. Di rin nagpapakita si Jesus kaya sabi ko pinauubaya ko na silang lahat kasi pagod na pagod na ako sa kakakumbinse sa kanila.
- Di pa ako kinukuha ni Lord kaya di ko pa time. "Lord, di pa ba revelation? Kailan pa? Andami na naghihirap sa mundong ito..."
- Nang nakita ko si Dr. Hendra sabi ko sa kanya, "Ikaw pala hehe tuwa ako sa Chinese mo!" (Nalaman ko nalang na Indonesian pala siya. Nakakatuwa yung duktor na yun. Ang bait at saka laging pabalik-balik sa kwarto. Friendly siya sa 'min kaya naaaliw rin sina mama't papa. Binigyan pa nga kami ng card para makadiscount sa gamot. Isang anghel na para sa isang pasyente ang magkaroon ng doktor na gaya niya.)
- May tumatawag sa phone. Sabi ko baka si Lord na yun.
- Sabi ko na pinangako ni Lord na di masakit ang kamatayan ko, pero natakot ako dahil nagdudugo na ang suero ko. Natakot ako na baka magkaimpeksyon kaya gusto ko matanggal na. Masakit na rin kasi.
- May doctor akong sinabihan na "Hindi naman ikaw si Jesus eh!"
- Sabi ng mga doctors lupus daw ang dahilan nun. Reklamo ako. Lupus na naman! Sabi ko pa nga, lupus eh wolf yun. Mahilig ako sa mga wolf kaya binigyan ako ng lupus. Kaso di naman ito ang hinihiningi ko.
- Tinanong ko kay papa at mama kung sino nga ba sila. Pero ang totoo kilala ko naman sila. Pinatanong pa nga nila sa kin ang mga pangalan nila.
- May pafollow-follow the light pa raw ako. Akala ko kasi si Jesus na yung sunlight sa bintana.
- Nagsorry ako kay mama kasi minsan di ko naaapreciate ang mga ginagawa niya sa kin at saka madalas ko siyang siraan sa besfren ko.
- Umamin akong nakapanood na ng hentai nung bday ko. Kinwento ko rin ang tungkol sa bespren ko at yung nakaraan ng elementary na gusto niya ko ilayo sa kanya. Sabi ni mama ayaw lang daw kasi ako niya mapahamak pero naiintindihan na naman niya yun.
- Pinaamin ko si papa kay mama ng mga kasalanan niya dahil kung hindi pupunta siya sa hell. Sabi ko pa maysakit si papa. (Di naman ata totoo eh) Tinuro ko si papa na namumula at pumasok siya sa C.R. Sabi ko kay mama silipin niya si papa. Sabi niya umiiyak lang daw yun.
- Naghallucinate na ako. Nakita ko raw na parang naaagnas yung mukha ni mama. Nagkakaron ng gray patches. Nabali ko rin daw yung daliri ni papa. Kailangan ko raw ng faith para maibalik sa normal ang daliri ni papa.
- Marami akong sinabi na nakalagay sa blog ko (alam niyo na yan) pati ang summary ng mga pangarap ko. Umamin ako na may konting bastos sa blog ko pero mild lang yun.
- Sabi ni mama dasal lang daw ako. Lahat ng gusto kong sabihin kay Lord sabihin ko raw. Sabi ko wala akong madasal kasi nasabi ko nang lahat sa kanya.
- Pinadasal ko raw si mama at pinaluhod. Sabi ni mama di na raw kailangan. Ok. Pinapaconfess ko pa sila kay mama parang mama mary daw. Syempre walang sumunod.
- Gusto ko raw bumaba upang hanapin si Lord. Gusto ko ata punta chapel. Nagpipilit akong kumawala kaya tinalian nila ako sa mga binti at kamay.
- "Si Lord ang makakapag-change the world. Hindi si Jamby!!!"
- (Di ko alam kung ba't nasabi ko to) "Jesus, hehe, 'Kaw rin pala palabiro ka. 'Kala ko wala kang sense of humor kasi banal ka."
- Nabanggit ko na dapat magmahalan tayo. Tanong ko kay mama kung naalala ba niya si Gaara? Sabi ko sa kanila, siya yung nasa Naruto kung nanonood kayo. Di naman lahat ng anime masama at bayolente. Mabuti man o masama basta may natutunan kayong magandang lesson okay na yun.
- Sabi ko angel ako. May sikreto rin kami ni Jesus tungkol sa isang kaibigan. Di raw niya alam na Chosen One din siya. Niyaya ko pa nga yung kaibigan ko pero ayaw daw niya. Totoong tao ang tinutukoy ko.
- Sabi ko "Jesus help me! Sinasaktan nila ako! Papatayin nila ako!" Pinagsabihan sila ni mama na wag higpitan ang hawak sa kin. Nagdugo na ang swero ko sa sobra ko raw likot.
- Nagpupumiglas ako kaya ang dami kong bugbog at pasa sa kamay. Di pa tumalab yung sedative na ininjection sa akin.
- Sabi uli ng doctor, lupus daw ang dahilan nun. Nagalit ako. Sabi ko science na naman! Nung nagpagaling ba si Jesus gumamit ba siya ng science? Dapat religion, mali! Faith pala.
- Maya-maya lumabas sina mama at yung ibang mga tao. Pinapangako ako ni mama na matutulog daw muna ako bago nila tanggalin yung swero ko. Nagpanggap akong makipagdeal. Naiwan ako kasama ni papa at ng isang nurse. Tinanong ko nasaan si mama. Nasa labas daw kausap yung mga docs. Akala ko nasa chapel may kausap na pari. Pope? Hehe. Sabi ko pa na parang ako si Samson at parang nasa mental ako. Niligaw ko yung nurse ng mga tanong kaya madali kong naihugot yung suero ko ng mag-isa. Ang sarap ng feeling ng natanggal yung karayom at umaagos yung dextrose sa kamay. Tinapalan nalang niya ng cotton yung sugat.
- Sabi ko nalang bigla na magaling na ako sa lupus dahil may faith na ako!
- Pinapangako ko sina mama't papa na magbabasa kami ng bible ng sabay-sabay. One chapter a day.
- Kinabitan nila ng kurtina yung bintana. Tinapalan lang kasi ni papa ng mga dyaryo yun kasi bawal ang araw sa akin.
- Pinagdiskitahan ko yung isang nagkakabit ng kurtina. Tinanong ko siya kung meron na ba siyang asawa at mga anak. Tinanong ko rin siya kung mabuti rin ba siyang ama at hindi naglalasing.
- Sabi ni papa isa-spongebath daw ako ni mama. Sabi ko spongebob sabay tawa.
- Pinag-uusapan nina mama at ng isang doctor na ipasailalim ako sa MRI. Mahal daw yun pero sasagutin ata ng Intellicare. Sinabi ko na may ginto o pera malapit sa may basurahan.

2 Comments:
hoy tippie!!!
di mo pa ako pwede iwanan!
marami pa tayong bigas na sasaingin....
marami pa tayong dapat pagsamahan.
thurdsday friday pasok ko pero pag may hands on papasok din ako at mag-usap tayo ah!
nakakatawa ung ibang hallucinations mo tippie. hehehe. jamby saka follow the light.
Post a Comment
<< Home