Scratch Paper

Where the only thing you can do is scratch your head...

Sunday, August 20, 2006

Matakot ka sa Tsinelas

PIKORI: Judai Yuki! (hinagis ang tsinelas)
JUDAI: (sinalo ang tsinelas) Ano 'to?
PIKORI: Tsinelas.
JUDAI: Anong gagawin ko dito?
PIKORI: Kahit ano. Pwede mong kagatin. Chew it then judge it.
JUDAI: Ano ako aso? Ayoko nga!
PIKORI: E di hawakan mo nalang. Touch it. It's rubbery.
JUDAI: Ah alam ko na. Magharap tayo sa isang duelo. Saka natin pagdesisyunan kung anong gagawin natin dyan sa tsinelas mo.
PIKORI: Go along along. Get on the deck! Get on the deck!
JUDAI: Ako unang titira. Elemental hero avian sa attack position.
PIKORI: Ako naman. Smart Buddy Prepaid Card sa upside down position.
(Lumabas si Heart Evangelista sa field nang nakabaligtad)
JUDAI: Ha? Ano yan?
PIKORI: Makikita mo ngayon ang special effects ng prepaid card ko!
(Kinaskas ang card at ini-dial ni Heart sa kanyang cellphone ang pin number)
Operator: You have successfully loaded Ps300. Please consume the total amount before October... You're current balance is Ps300.

Math Question # 1:
Judai Yuki has 4000 LP. Pikori took away 300 from him. How many life points does Judai have left?

JUDAI: Teka, anong nangyari? Pwede ba yun???
PIKORI: Hindi yun Pwede Card!
(Sunod na tumira si Judai pero dahil di niya maintindihan kung anong mga klaseng cards ang pinaglalabas ng kalaban ay unti-unting nauubos ang kanyang LP. Totoo ngang what you don't know could hurt you.)

Ito ang ilan sa mga cards mula sa deck ni Pikori:
a. Birthday card - madadagdagan ng edad ang kalabang monster hanggang sa maging gurang na ito. (kapareho ng effect ng time magician)
b. Wild card - nagwawalang card. Mag-ingat, nangangagat ito.
c. ATM Card - Pwede mo iwithdraw ang LP ng kalaban.
d. Credit card - Pwedeng utangin ang LP ng kalaban.
e. Clowcards
f. Placard - ibabato mo lang sa ulo ng monster
g. Cardboard - iipit mo dito ang mukha ng monster

PIKORI: Heto ang polio-merization card!
JUDAI: Baka polimerization!
PIKORI: Pagsasamahin ko si Heart Evangelista at Kris Aquino!
(Naging si Kris Aquino ang humahawak ng phone)
PIKORI: Dadagdagan ko pa yan ng Magical Briefcases.
(Lumitaw ang sampung briefcase girls sa field. Pinili ni Judai ang no. 7. Nagring ang phone.)
KRIS: Yes banker?... (binaba ang cel) Inaalok ka ni banker ng 200 LP. Judai Yuki, deal or no deal?
JUDAI: NO DEAL!!!
(binuksan ang briefcase, itlog ang laman. Itlog rin ang naiuwi ni Judai.)
JUDAI: Grabe. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong laban. Ito na nga ata ang tinatawag nilang dark game!
PIKORI: Sira! Anong dark game? Etong sa iyo! (pinalo si Judai ng tsinelas sa pwet)
JUDAI: Aray! Ba't mo ginawa yun? Ano bang atraso ko sa iyo?
PIKORI: Yan ang bagay sa iyo. (pumuwesto sa attack position na parang si Robin Padilla sa billboard ng Islander sandals) FIGHT!!!
JUDAI: (tumakbo) Saklolo! Paolo, tulungan mo ko!!!
PIKORI: Chichinelasin kita! (hinabol ang napraning na duelist)
PAOLO: (nagtago) Sorry kuya, natatakot ako sa tsinelas niya eh!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home