Scratch Paper

Where the only thing you can do is scratch your head...

Saturday, July 01, 2006

Da Westsayd Istory

At sa pagpapatuloy ng biyaheng pakanluran...

(Huminto ang berdeng si Hakuryu sa tapat ng tarangkahan ng mga mental. Pumotpot si Hakkai. Walang sumilip man lamang ni tao o hayop.)
GOKU: Oy Hakkai, walang sumasagot. Baka walang tao.
SANZO: Talagang walang tao dyan sa pamamahay na yan.
GOJYO: Naku, sinabi mo pa!... Ang mabuti pa siguro sumigaw ka nalang, Matsing.
GOKU: TAE PO! TAE PO!
SANZO: (Pinalo sa ulo si Goku using the 2-in-1 fatal famayfay) Bakit tae?
GOKU: Eh kasi sabi niyo walang tao eh! Eh di tae!
SANZO: Inutil ka talagang matsing ka! Lalong walang lalabas niyan!
(Ngunit nagkamali ng kalkulasyon si Sanzo. Lumabas ang tae este ang mukhang tae, si Kisame.)
KISAME: Sinong tumatae dyan?
(Tinuro ng tatlong epaloids ang epalest, si Goku-sen)
KISAME: Anak-ko-nda! Andito na pala kayo? Teka tawagin ko lang ang pinagkakautangan ninyo.
SANZO: Bah! At inemphasize pa nga pangit na pating na yun ang utang!
(Agad nagparamdam si Pikori nang marinig na dumating na ang Westlife)
PIKORI: Hakuryu! (hinimas ang Tara Green Potpot) O bayad nyo! (Nakabukas palad sa harap ni Sanzo)
SANZO: Maghintay ka at isusulat ko pa! (Naglabas ng checke)
PIKORI: Check? Di ba yan wrong?
SANZO: Eh di kung wrong 'to dapat ekis na ang binigay ko sa iyo.
PIKORI: Sabi ko cash eh! Kinashkash ko pa nga sa mga pagmumukha nyo.
HAKKAI: Di kasi advisable sa aming mga manlalakbay na magdala ng maraming pera.
PIKORI: Eh tutal biyaheng pakanluran rin naman kayo eh, sana pinadala niyo nalang sa Western Union Money Transfer!!!
GOKU: O nga noh!
SANZO: Wag ka na magreklamo, di ito tatalbog.
GOKU: Tatalbog? Diba bola lang ang tumatalbog?
GOJYO: Meron pang iba kaso di ko pwede sabihin sa iyo dahil bata ka pa.
GOKU: Ano yun? Sabihin mo na!
SANZO: (asar na) Ulo mo! (inabot ang tseke kay Piko)
PIKORI: Nagtataka ako. Paanong nanggaling na naman kayo sa Silangan? Akala ko ba pabalik na kayo galing Kanluran pag nagbayad kayo?
HAKKAI: Ganun pa rin kasi ang tinahak naming ruta, pakanluran. Naka-isang ikot na nga kami sa buong mundo eh. Alam mo naman bilog ang mundo. Kilala mo naman siguro si Magellan.
PIKORI: Diba Ginebra San Miguel yun?
(Napuno ng hilakbot si Kisame at nanginig ang kanyang panga nang marinig ang salitang Magellan. Pinatay kasi nito ang lapu-lapu at baka isunod na ang pating. Samantala, naghistory at geography class na ang lima sa labas. Nag-graded recitation pa sila tungkol sa around the world trip using only one and only one direction, West. Matapos mabigyan sila ni Pikori ng di makatarungang 65%, nagpasya na ang apat na magpatuloy na at kung maaari ay di na raw sila magpapakita pa hanggang may kailanman. Niregaluhan nalang sila ni Pikori ng di nila malilimutang siopak (siopao na tinapakan) na agad hinablot ng naglalaway na si Goku. For take out ito dahil ayaw nila mag-dine in.

So long farewell, I hate to see you go... but have a Gudtaym!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home