Scratch Paper

Where the only thing you can do is scratch your head...

Saturday, June 16, 2007

My MVP (Mukhang-Very-Political) Valentine

Ang sumusunod na kaganapan ay nangyari sa ika-labing-apat ng Pebrero na siya na ring hudyat ng simula ng pangangampanya ng mga tumatakbong kandidato para sa pagiging Senador. Sa araw ring iyon nagkaron ng isang hamunang blind date ang tatlong sinapian este kasapi pala ng Fool Haus na sina Gaara, Kisame at Pikori. Sinet-up nila ang blind date ng bawat isa at syempre surprise yun. Si Pikori ang nagset-up ng date para kay Kisame. Si Kisame naman ang naghanap ng kadate ni Gaara at si Gaara naman ang nag-set up para kay Pikori. Nung araw ring yun, hinintay nila ang kanilang mga kadate sa Penguin Park.

KISAME: Siguraduhin mo lang na maganda yung kadate ko ha! Kundi makakatikim ka ng sariwa kong Samehada!
PIKORI: Ay naku! Oo naman. Mukha siyang diyosa kung ikukumpara sa mukha mo no!
GAARA: Tao ba yung pinili mo para sa kanya? Hindi bagay.
PIKORI: Ok lang yun. Para kahit minsan sa lifetime niya may makadate naman siya ng tao. Ah eh actually superhuman un eh. Hehe! (lols like a loka loka) Tignan lang natin kung anong magiging reaction niya kay Kisame.
GAARA: Alam mo Kisame. Maghanda-handa ka na. Payo namin sa iyo na magpalit anyo ka na lang bago pa himatayin ang kadate mo pagkakita sa iyo.
PIKORI: I second emotion.
*BG song: Papa Cologne by Parokya ni Edgar*
"Kung ang iyong problema
Ay ang iyong mukha
Wag nang mag alala
Pagkat nandito na
Ang sagot sa lahat ng problema mo sa mga babae
Ang gamot sa lahat ng pagkakabigo ng mga lalaki
Andito na ang papa...papa cologne"

KISAME: Sa tingin ko tama kayo. (tumitingin sa salamin ng lagim habang nag-aayos ng buhok at nagspray ng Papa Cologne na nabili niya sa tindahan ni Aling Nena at saka nagpalit anyo pero kulay blue parin ang balat)



PIKORI: Papa umm... mamaw (sweatdrops)
GAARA: Yan na ba talaga pinakamaayos niyang hitsura?
PIKORI: I guess so.
(Maya-maya may dalawang babae na dumating, sina Eclair at Lumiere)
Lumiere: Sige na Eclair, okay na yang ayos mo! Maganda ka na, sobra! Remember ang poise!
(Biglang nagliwanag ang buong paligid nang lumitaw sa harapan nila ang ES member na si Eclair)



KISAME: (drools and nosebleeds) Ako si Hoshigaki Kisame!!!!
GAARA: Ano bang binabalak mo, Pikori?
PIKORI: (smile) Hehehehehehe... Hindi ba nakakatawa?
GAARA: Kung sa iyo oo, akin hindi! Naawa tuloy ako sa kadate niya.
ECLAIR: *sa isip* Yuck ano ba 'tong kadate ko? Isang D.O.M.!
KISAME: Ano Ms. Eclair, tayo na?!
ECLAIR: *sweatdrops* Ha! Ah-eh... opo...
KISAME: Masyado ka namang magalang. Dapat casual ka lang. (inakbayan si Eclair)
ECLAIR: (nanginig sa pandidiri) *kausap ang sarili* Naku, Eclair, relax ka lang! Baka mahigh-blood ang matanda pag nag-init ang ulo mo!
(to Kisame) Ha?! ah eh oo! Pasensya na... hehe...first time lang kasi (nagpipigil) *sa isip* na makadate ng isang matanda. Eeewww!
KISAME: (kinindatan si Pikori) Ayos!
PIKORI: Yuck, feeling!
GAARA: Ang laswa ng eksena. Siguradong lagot ka sa babaeng yun mamaya.
PIKORI: Pag nangyari yun, itago mo ko sa shield of sand mo.
GAARA: Hmp! (to Kisayme bago pa ito makalayo) Kisame! Teka, paano ko malalaman kung sinong kadate ko?
KISAME: Abangan mo nalang dun! (sabay nguso sa may wishing well)
PIKORI: Patay ka! Mukhang kilala ko na yun ah.
GAARA: Kisame!
(Di na pinansin ni Kisame ang naninisik na mata ni Gaara dahil nag-eenjoy na ito sa panyanyansing kay Ate Eclair. Maya-maya may umaakyat mula sa balon. Gumagapang ito habang may hawak hawak na illustration board na may nakaprint na malalaking letters: WANTED KADATE!)
GAARA: Sabi ko na nga ba at di maganda ang kalalabasan nito eh.
PIKORI: Oy Gaara, tulungan mo naman makalabas ng balon ang kadate mo!
GAARA: Oo na. (inabot niya ang kamay ni Sadako na hindi pa pantay ang pagtayo sa lupa)
SADAKO: Sabaku no Gaara?
GAARA: Ako nga.
SADAKO: Alalayan mo ko. (kumapit kay Gaara dahil bali-bali at balu-baluktot pa ang katawan nito)
GAARA: (to Pikori) Alis na kami. Iwan na kita dyan. Kilala mo na kung sinong darating para sunduin ka. (Inaalalayan si Sadako na parang Kampanerang Kuba kung kumilos. Tila silang dalawa ay Halloween couple sa gitna ng araw ng mga puso.)
(A little later isang hinihingal na ninja ang nagtatakbo palapit sa park.)
NARUTO: Excuse me, miss... Ngek! Pikori ano ginagawa mo dito?
PIKORI: Hinihintay ko ang kablind date ko na sinet-up para sa kin ni Gaara.


PIKORI: Ngeee... ikaw?
NARUTO: Oo ako nga! Kung di nga lang sa ramen na nilibre sa akin ni Gaara eh... Teka, saan tayo?
PIKORI: Kung hanggang saan kaya ng budget mo.
NARUTO: Ano?! Pero ano eh... Sabi ko na nga ba eh. Eto ang ayaw ko sa pakikipagdate! Sana tumanggi nalang ako.
PIKORI: Ang isang professional ninja ay tumutupad sa kanyang tungkulin.
NARUTO: Oo na sige na! Ginawa mo pa 'tong misyon ko!
(Nagala lang naman sila hanggang sa makita nila ang isang restaurant.)
PIKORI: Mahal...
NARUTO: Ha? (nagtataka) Teka lang... ang aga naman yata na tawagin mo ko nang ganyan.
PIKORI: Ang sabi ko mahal!
NARUTO: Sino? Ako?
PIKORI: Tanga, ayun o! (tinuro ang menu sa restaurant na ang presyo ay para sa mga upper class o elite people)
NARUTO: (pinagpawisan) Sus! Akala ko kung anong ibig mong sabihin e.
PIKORI: Anong lunch natin?
NARUTO: Doon nalang tayo sa ramen house.
PIKORI: Mukha ka nang ramen.
NARUTO: Eh yun ang gusto ko eh.
PIKORI: O sige na nga. Basta libre mo.
NARUTO: Oh no!

(HAbang si Pikori at Naruto ay naghahanap ng mamihan, si Kisame naman at si Eclair ay nasa isang class na restaurant)
KISAME: Sige order ka lang, hon.
ECLAIR: *sa isip* Sino namang nagbigay sa kanya ng karapatan na tawagin akong hon?!
KISAME: Eto akin, toasted beef with matching camote chips. Oorder rin kami ng champagne.
ECLAIR: Ah ang akin naman, fish fillet and sharks fin soup. Bottomless iced tea ang akin.
KISAME: Sigurado bang gusto mo nang fish? Marami pa naman diyang iba.
ECLAIR: Oo naman no. It's good for your heart nga eh. Kaya dapat ikaw rin kumain nang isda dahil makakabuti ito sa iyo lalo na tumatanda... ay... eh never mind.
KISAME: Pero ibig sabihin love mo ang mga fish?
ECLAIR: Hindi naman love pero like ko lang.
KISAME: Kung ganun like mo rin ako.
ECLAIR: Ikaw? Bakit ikaw? Paano naging ikaw ang like ko eh akala ko ba isda ang tinatanong mo.
KISAME: Ha? A oo nga pala, nalimutan ko eh.
(Habang naghihintay sa order nila, kinuwentuhan muna ni Kisame si Eclair tungkol sa mga sari-saring lamang-dagat na matatagpuan sa mga bodies of water na kanya nang napasyalan. Si Pikori naman ay nagpara ng taxi para sakyan nilang dalawa ni Naruto.)

PIKORI: Mamaw driver, sa mamihan po. Pakilock na rin na rin po ng pinto. Pasensya na nasanay lang ho. Solong alien lang po kasi. Alam nyo manong, sa panahon ngayon kailangan natin ng matapang na tagabantay. Buti nalang may titong umaalalay sa mga tulad namin na malayo ang pinanggalingan.
NARUTO: Ay sus, eh kung may matapang ka palang tagabantay eh bakit pinapalock mo pa yung pinto! Praning ka naman eh. Mas matapang pa ako dyan sa tito mo na yan. Teka sino ba yung tito mo? Nasaan na siya? (Biglang napasandal si Naruto sa gilid ng kanyang pinto. Dahil sa rupok ng pinto ng taxi bigla itong natanggal at tumilapon si Naruto palabas habang pagulong gulong siya sa kalsada. Huminto ang taxi.)
PIKORI: Ok ka lang? Sabi ko sa iyo dapat ilock ang pinto eh.
NARUTO: Tito, tulungan mo ko!
*tumugtog sa radyo ng taxi ang Christmas song ni Makisig* Chong Chong Chong Chong Tito Tito
Chang Chang Chang Chang Tita Tita... (chorus) Tito, Tito Tito Tita, Tita Tito Tito.. Regalo ko

NARUTO: Ayoko na ng taxi.
(Habang naglalakad sila...)
PIKORI: 'TOL! 'TOL!
NARUTO: 'TOL! 'TOL!
PIKONARU: 'TOL! 'TOL!
(Lumingon si Tol at kumaway sa kanila nang nakangiti with braces.)

NARUTO: (matapos kumain ng sandosenang bowls of Lucky Me sa Nanay Villar Store kung saan sipag at tiyaga lang ang puhunan) Ahh... solve na ko.
*Mga bata sa Little Big Star sings* "Lucky, lucky me with my family
Kay sarap kung sama-sama
Lucky, lucky me with my family
Salo-salo sa ligaya
Lucky, lucky me with my family
Yayain na si Mommy, Daddy, Ate, Kuya
At ang bida -

NARUTO: *sings* Si Naruto!
PIKORI: Mali, "ang Lucky Me"!
NARUTO: Eh bida rin naman ako sa show namin ah!
PIKORI: Dapat kasi dun nalang tayo sa Jollibee. Para Bida, ang sarap!
NARUTO: Nge. Eh sabi mo kung hanggang saan lang kaya ng pitaka ko eh. Eh eto lang ang afford ko.
(May dumating sa karinderya... si Shikamaru)
SHIKAMARU: Oy, kayong dalawa! Uy valentines na valentines... kayo ha!
PIKORI: Ikaw nga valentines na valentines, nag-iisa ka lang. Bakit? Nasaan si Ino, si Choji?
NARUTO: *ahem* EH si Temari?! Di ka ba sinipot sa date nyo?
SHIKAMARU: Wala akong panahon dyan. Busy ako sa pangangampanya.
PIKORI: OMG! Shikamaru, di ko alam kandidato ka rin pala sa pagkasenador? Mavote nga kita.
SHIKAMARU: Hindi ako. Tumutulong lang ako. Gusto raw kasi ako kunin ng isang pulitiko para gawan siya ng advertisment. Sumama na rin daw ako sa pangangampanya niya. Nakita niyo ba yung anino ng dragon sa commercial niya?
PIKORI: Ah! Siya nga! Wow! Shikamaru gawa mo pala yung shadow dragon na yun! Astig!
NARUTO: Teka, akala ko ba JOKE lang yun?
SHIKAMARU: Alam mo Naruto, pag bad ka, lagot ka!
PIKORI: Pero pag good ka, okey ka!
(Maya-maya may narinig silang pinagkakaguluhan ng masa sa labas.)
NARUTO: Ano kaya yun?
SHIKAMARU: Siguradong meron na namang nangangampanya.
(Dahil sa baha ang kalye ng mga tao at tao-alike, hindi nila makita ang celebrity politician. Nagdecide itong si Naruto na gumamit ng summoning technique for assisstance.)
NARUTO: Summoning technique! (lumabas si Duke, ang mahiwagang palaka)
DUKE: Hi!
NARUTO: Ngek! Sino ka naman? Isang baduy na palaka!
DUKE: Hoy hindi ako baduy, Kokak! Ako si Duke. Teka nga pala. Sino ka ba?
NARUTO: Ako si Uzumaki Naruto. Teka, mukhang bagong palaka ka yata. Kaanu-ano ka ba nina Gamatatsu at Gamakichi?
DUKE: Di ko kilala ang mga yun, Kokak. Di ko rin alam kung bakit ako naririto. Ang alam ang huling ginagawa ko ay nakikipagtsaa kay Blanca.
NARUTO: Pwede mo ba tignan kung ano yung pinagkakaguluhan ng mga tao run?
DUKE: Ok... Uy! Ang daming crystal hearts na kulay rainbow! Mukhang aliw na aliw sila sa isang bata!
NARUTO: Bata?
DUKE: Oo, isang batang lalaki na kulay brown ang buhok at may suot na pink headband.
PIKORI: Mukhang pamilyar sa akin yun ah.
KAZUMA: (Mula sa speaker) Kung ako ang iboboto ninyo, magpapatayo ako ng branch ng Pantasia sa bawat probinsya. Lahat tayo ay makakakain na ng Ja-pan araw-araw at wala nang magugutom!
PIKORI: Ngee sabi ko na nga ba! Ano bang ginagawa ni Kazuma Azuma at nangangampanya siya? Di ba bawal yun?
(Sigawan ang mga bata't matatanda, "Kazuma Azuma! Kazuma Azuma!")
SHIKAMARU: Sa anime, lahat posible!
(Maya-maya dumating rin Sir Gai kasama ang isang tumatakbong pulitiko. Aakalain mong si Gai na ang kakandidato dahil panay ang ngiti at pakikipagkamay kung kani-kanino. Halos masapawan na niya ang kasama niyang Guy. Di mo na tuloy alam kung sino ang totoong Guy.)
GAI: Your Gai para sa senado! Taralets, mga kaibigan, Batang BaranGAI, Your Gai, para sa senado!!!
(Naipit sina Pikori, Naruto, Shikamaru at Duke sa mga pangangampanya ng kung sinu-sinong nagdaang kandidato. Nakakolekta tuloy sila ng sangkatutak na stickers, posters, calendars, apparels at accessories ng mga ito. Halos magkadurug-durog na ang mga eardrums nila sa mga sunud-sunod na parada at jingles na pinapatugtog ng mga trak at van. Iboto si ganito, iboto si ganyan. Ang mga tauhan ay sabit ng sabit at dikit ng dikit ng mga mukha ng mga kandidato sa mga pader, puno, gate, sasakyan, ay naku, lahat na yata ng blank spaces na makita nila ay pinagtatapalan na ata nila. Contest ba ito ng paramihan ng matatakpan na dingding? Beautification project ba ito? Ay, gawing wallpaper nalang ang mga mukha nila! At can u believe it? May nag-ooffer pa ng free tattoo ng candidate nila! Oh no! Kulang nalang gawing artista at model ang mga ito.)

(Si Eclair sa una pa lang ay wala na talagang gana sa date nila ay panay ang bisita sa C.R. Mas masisikmura pa nya ang restroom kaysa mukha ni Kisame. Kahit natanggal niya ang lines at wrinkles niya, di pa rin magbabago na isa siyang blue bay. Kanina pa nag-iisip si Eclair ng paraan para makatakas sa restaurant na yun.)
ECLAIR: Maysakit siguro yun sa balat. Naku, baka mahawa ako! Sabi niya dugong bughaw raw siya kaya ganun. Eh hindi kaya blue baby siya nung pinanganak siya? Eeeeh anong gagawin ko! Pasabugin ko nalang kaya tong kainan na ito? Wag, maraming inosenteng mapapahamak.
KISAME: Bakit kaya ang tagal nun sa C.R.? Ah siguro nagpapaganda na naman. Hehehe!
(Biglang dumating si Itachi sa restaurant)
ITACHI: oy Kisame, anong ginagawa mo rito ha?
KISAME: Hehe, may kadate akong chick.
ITACHI: Chick? O baka naman squid?
KISAME: Tsk, tsk, tsk. Sexy, pare. Maganda! Viva Hot Babe!
ITACHI: Parang ayoko maniwala...
KISAME: Believe me pare, hintayin mo lang at pakikilala ko sa iyo. Kaso baka agawin mo sa akin pag nakita mo. O nga pala, kaw anong ginagawa mo dito?
ITACHI: (sigh) Meron akong assassination mission ngayon. Isang kandidato... hinahanap nga kita. Dalawa tayong pinadala ni boss. Hindi kita makontak sa cel mo. Out of reach ka raw.
(Narinig ni Eclair ang evil plot ng Akatsuki. Bigla nalang siya sumulpot at tinira sila ng latigong lipstick niya.)
ITACHI: Tampalasan!
KISAME: Pare, yan ang kadate ko... Teka, anong sa tingin mo ang ginagawa mo, Eclair?
ECLAIR: At nagmamaangmaangan ka pa! Kasingsama pala talaga ng mukha mo ang ugali mo. Hindi na ko magiging magalang sa iyo! Kanina pa ako nagtitiis sa masangsang mong amoy! (sinuntok with full force ang mesa hanggang sa maging alabok nalang ito)
ITACHI: Matinik rin pala ang babae mo, Kisame!
KISAME: Ha, ititreat pa naman sana kita pero mukhang ginalit mo ko.
ECLAIR: Itreat mo mukha mo!
(Nagkaroon ng matinding sagupaan sa loob kaya lahat ng mga tao ay naglabasan na sa takot. Nilabas na rin ni Kisame ang tunay niyang kapatingan kaya lalong tumindi ang takot na naramdaman ng mga customers at staff.)
ECLAIR: Yuck, ang pangit mo!!! I can't believe na sumama ako sa iyo. Ewww... makapaligo nga mamaya ng alcohol!
KISAME: Yan ay kung makakapaligo ka pa nga mamaya!
(Kabog! Kablag! Blagadag! Kapow! Swoosh! Crack! Splat!... -lahat ng sound effects ng labanan. Si Itachi naman ay lumayas na dahil di naman talaga siya kasama dapat sa L.Q. nila. Meron pa siyang important business to attend to.)

(Napadaan sina PikoNaruShikaDuke doon)
NARUTO: Anong nangyayari doon?
SHIKAMARU: Tara, puntahan natin.
(Pumasok silang 4 sa loob)
PIKORI: Kisame? A-ate Eclair?
ECLAIR: Hoy, Pikori, ba't hindi tao ang pinadate mo sa akin? Naku, lagot ka rin sa akin bata ka.
SHIKAMARU: NAku lagot ka!
PIKORI: A-a-ate E-ee-eclair, eh -ah eh kasi... waahhh... gusto ko kasi ito mangyari!!!
LAHAT: HHHUUUWWWHAAAT??!!!
ECLAIR: Anong ibig mong sabihin?
PIKORI: Eh kasi... (may binulong kay Eclair)
ECLAIR: Ngee...... ganun? (umalis nalang sa restaurant na nagkakamot ng ulo)
PIKORI: Ate Eclair, peace na tayo ha!
ECLAIR: Basta wag mo na uulitin yun ha!
NARUTO: Anong sinabi mo sa kanya?
PIKORI: None of your business.
NARUTO: Daya naman nito o!
DUKE: (tinignan ni Duke ang puso ni Kisame) Naku, broken hearted ang isang 'to!
KISAME: Ang malas naman! Sayang talaga! (pinukpok ang salamin)
SHIKAMARU: Siguro nagsimula yun dahil sa isang indecent proposal.
KISAME: Anong indecent proposal?! Hindi pa nga eh.
DUKE: Aba di ako makapinawala. Nababalutan ang puso niya ng maitim na grasa, kokak!
SHIKAMARU: Sa isang tingin palang alam ko nang maitim ang budhi ng isang 'to.
NARUTO: Ha! Buti nga. Yan ang bagay sa iyo!
KISAME: (nagmumukmok sa sulok) Kung sana naging gwapo lang ako... hindi na sana ako nahihirapan nang ganito... magiging madali nalang sana makahanap ng kapalit niya... AAAAARRRRGGGHHH!!! Pikori, hanapan mo ako ng bago. Yung mas seksi at mas maganda at yung babae kumilos!!!
PIKORI: No way! Ayoko na no! Ang hirap kaya manloko! Nakukunsensya nga talaga ako sa ginawa ko eh.
KISAME: (nagpatuloy sa pagmumukmok) Kung sana naging mukhang tao nalang ako...
(Isang kandidato ang nagpatong ng kamay sa balikat ni Kisame at nagsabi... "Pangarap kong tuparin ang mga pangarap mo...")
KISAME: Che! Gigisahin at kakainin kita sa senado eh!
(Sa takot na baka tadtarin siya ng Samehada ni Kisame ay nagpakalayu-layo na ito habang nakikiusap na itanim siya sa Senado upang maging malusog at malakas ang gobyerno.)
KISAME: O, Pikori, ano yan? Nagshopping kayo?
PIKORI: Shopping? Hindi!!! Mga items ito na nakolekta namin sa mga kandidato. Tignan mo, may t-shirts, bags, pamaypay, keychains, caps, ballpens, etc. Lahat limited edition! (dinisplay ni Pikori ang mga ukay ukay atbp na para bang nagtitinda ng products)
NARUTO: O eto pa, may swimwear collection pa sila at payong for summer. Dami ko na nga posters, di ko na nga alam kung saan ko ididikit sa kwarto ko eh. Baka ipamigay ko nalang yung iba sa mga taga-Konoha at Wanted Mansion. Sa iyo nalang to, Kisame. (inabot yung poster ng isang kandidato kung saan naka-Chabit siya sa chopper habang pinagmamalaki ang kanyang personal mission sa mga probinsya)

(Si Gaara naman at si Sadako ay di malaman kung saan pupunta. Nagkataon naman na may nadaanan silang shooting.)
SARAH: Malayo ang mararating pag hawak ay mikropono. Mas malayo ang mararating pag hawak ay diploma...*sings* "AnGAARA, Ang-Gaara na sa senado! ...AnGAARA ng buhay!"
ANIME FANGIRL 1: Ayun oh, si Gaara! Naku dali! Pa-autograph tayo at papicture!
ANIME FANGIRL 2: Teka, nangangampanya ba siya?
ANIME FANGIRL 3: Oo, for Kazekage!
ANIME FANGIRL 4: Eh ba't kasama niya si Sadako?
ANIME FANGIRL 5: Baka endorser niya. Alam mo na, panghatak ng maraming boto.
(Nagtaka tuloy sila Gaara at Sadako kung bakit sila dinagsa ng mga tao. Nagtataka naman ang singer-actress at ang kanyang politician kung bakit iba ang pinagkakaguluhan at hindi sila.)
SARAH: Tito Ed, may mali po ba sa kinanta ko?
DIRECTOR: Ah Sarah, pakiiksian lang ang 2nd syllable sa song mo.
SARAH: Alin ho?
DIRECTOR: Yung AnggAAAAra... Masyadong mahaba ang second AAHH mo... Gawin mo lang simple ang tono. Ok?
TITO ED: Ah Sarah congrats nga pala at nakagraduate ka na.
SARAH: Salamat po, Tito Ed.
DIRECTOR: Ok, isama na natin ang commercial ng AMA... The same tone din ha!

(Nang matapos na ang autograph signing at pictorial nina Gaara at Sadako, nagkataon na napadaan rin sila sa the same restaurant na kani-kanina lang ay parang binagsakan ng missile bomb sa Iraq sa tindi ng destruction)
NARUTO: Oy Gaara, musta ang date niyo?
GAARA: Heto, may halong pulitika.
(May dumaan na namang bagong pulitiko kaya lahat sila ay pinasay-CHIZ sa camera.)
NARUTO: Akala ko si Bamboo!
SHIKAMARU: Eh tutal pangangampanya rin naman ang pinag-uusapan, eh mabuti pa siguro ibalita ko sa inyo ang tungkol rito. May kinalaman kasi rito ang show natin.
NARUTO: Wag mo sabihin pati si Tandang Tsunade sasabak sa pulitika?
SHIKAMARU: Gusto raw kunin ng team GO ang 4th theme song natin na Go.
NARUTO: Ah yun ba yung...
"We are Fighting Dreamers Takami wo mezashite
Fighting Dreamers Narifuri kamawazu
Fighting Dreamers Shinjiru ga mama ni
Oli Oli Oli Oh-! Just go my way!

Right here Right now (Bang!)
Buppanase Like a dangan LINER!
Right here Right now (Burn!)
Buttakitteku ze Get the fire!"


KISAME: Tignan mo nga naman. Sa lyrics pa nga lang ng kanta parang nagrerevolt na eh.
SHIKAMARU: Gusto nga nilang gawing "Arroyo! eeh yoh! ee Yoh! Just go away!" yung last line ng first stanza. Isang boto lang daw laban sa nakaupo.
PIKORI: Eh di patayuin nalang nila. Yung nakaupo lang pala yung problema eh.
SADAKO: Nangangawit na siguro sila kasi sa kakatayo. Gusto naman nila sila ang umupo.
NARUTO: Sus, ano yan trip to jerusalem?
KISAME: Ano ba kayo! Wag na nga kayo magpakaga-GO!
PIKORI: Eh we wanna Go with the Flow eh!
NARUTO: Eh teka teka, paano yan, nakaupo rin si Tandang Tsunade. Sa kakaupo na nga niya nayupi na ang kanyang pwetan at nabutas na yung silya. Paano naman eh buong araw na yatang di umaalis sa opisina sa kakabasa at kakapirma ng mga papeles. Kulang nalang lagyan ng built in toilet yung silya niya eh.
GAARA: Ganyan talaga ang mga kage.
NARUTO: Ibig sabihin kung maging hokage ako, uupo rin ako maghapon doon at mag-aayos ng mga papeles?
PIKORI: Ayaw mo nun? Hihingiin ng lahat ang autograph mo bago nila mapasa ang batas.
SADAKO: Gusto nila pabagsakin ang mga nakaupo. Paano yan eh lahat tayo'y dapat magsitayo.
NARUTO: Hindi mo kayang pabagsakin ang nakaupo. Suportado ng silya eh. Mas madaling pabagsakin ang nakatayo.
PIKORI: Pwede rin naman itulak sa silya yung nakaupo diba?
SADAKO: Oo nga.
NARUTO: Eh di magbabagsakan dito!
SHIKAMARU: Ang luluwag talaga ng mga turnilyo no!
PIKORI: Pwede ba, wag mo ipagmalaki sa amin na mahigpit ang turnilyo mo pagkat ang alam ko hindi turnilyo ang nagkukunekta sa mga ugat sa utak mo.
SHIKAMARU: Hay naku, walang kwentang makipag-argumento sa inyo. Oo nga pala, gusto naman ng team Unity na kunin ang unang kanta natin na Rocks.
NARUTO: Bakit Rocks?
SHIKAMARU: Dahil simple lang ngunit ROCK.
NARUTO: Sus akala ko ROCK Lee.
SHIKAMARU: Balak nga nilang gawing mascot si Lee.
KISAME: Yuck, ano ba yan! Ang baduy naman. Yun ba yung estudyante ni Gai? Akala ko ba simple lang ang gusto nila?
PIKORI: Syempre, dahil MAS PARA SA KIDZ MO! Yan ang Springtime of Youth!
NARUTO: Ah ayoko na! Magrerebulto nalang ako!
SHIKAMARU: Anong rebulto?
NARUTO: Revolt.
LAHAT: Nge!
KISAME: Tignan mo ga-GO talaga.
SHIKAMARU: Paano yan Naruto, PLAN Co Revolt ka?
NARUTO: Oo, para Revolt against corruption and poverty.
PIKORI: Pero hay naku, look who's talking!
NARUTO: (naisip ang mga scandals of the former pres.) Oo nga no?
GAARA: NAruto, wag ka nga magpauto.
SADAKO: Pero look, why are there so many balimbings in the country? There are plenty of doggies in the window.
PIKORI: Ah very poor metaphor! Dogs are man's best friend and the most known loyal animals to man no!
KISAME: Yan na nga ba sinasabi ko eh. Kasi sila mga ga-GO!
PIKORI: (pinalo si Kisame ng nirolyong poster) Kanina ka pa ha! Don't say bad words. Ang mga isdang tulad mo ang mas madaling mabili!
(nagring ang phone ni Kisame)
KISAME: Hello Itachi?
NARUTO: Aba! At may bagong Hello Itachi scandal pa!
KISAME: CHe, tumahimik ka kulugo!... Hello, Itachi, wag tayo dito mag-usap at baka i-wire tap tayo.
SADAKO: Ang alam ko pag binoto mo itong kandidatong ito, gagawin niyang mura ang text o kaya libre!
SHIKAMARU: Imposible, eh di lugi ang cellphone companies kung unlimited texting nalang.
PIKORI: Ay naku, kausapin niya ang ingrown niya!
KISAME: Tignan mo isa pa yang -
PIKORI: Hoy! HOy! Hoy! Wag mo nga pag-initan ang mga kandidato dahil nabusted ka lang sa kadate mo.
KISAME: HMPH!
SHIKAMARU: CoRecto!
DUKE: Hay naku, mga abnormal mga tao dito. Makabalik na nga sa anime ko.

(sa ibang dako ng daigdig)
KIMIMARO: Ah basta sa halalan, titiyakin kong mabibilang ang isa kong BUTO.
PEROPERO: Warp!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home