Scratch Paper

Where the only thing you can do is scratch your head...

Saturday, May 06, 2006

Da BIG Night

Sa pagpapatuloy ng paglalakbay habang nakasakay sila sa Brand New Honda Hakuryu...

...
GOKU: Palibhasa lintang dagat ka kaya lagi kang basa!
GOJYO: Aba! Aba! At paano naman nalaman ng isang tulad mo na basa ang mga lintang dagat eh inutil na matsing ka naman?
HAKKAI: Posible kayang nadadagdagan ang I.Q. niya pag lalo siyang nagugutom?
SANZO: Imposible. Nakalog lang utak niyan sa biyahe.
(huminto sila sa tapat ng Fool House)
HAKKAI: Sigurado ka ba dito Sanzo?
(Napatingin sila sa signboard na nasa harap: Do not mind the dog. Beware of owner.)
SANZO: Eh ano ngayon? Lahat naman yata ng lugar na puntahan natin puro mapanganib.
GOJYO: Syempre. Lapitin ata tayo ng mga youkai. At saka, para makapagbanat-banat na rin ng konting buto.
GOKU: Wala akong pakelam kahit ano pa yan basta may pagkain doon!
HAKKAI: O sige... TAO PO!!!
(Lumabas si Pikori na medyo wala pa sa tamang pag-iisip dahil kung nasa katinuan siya hindi siya magrerespond sa salitang, Tao po. Siguro kakabrainwash pa lang niya sa Ariel. Babad lang yan!)
PIKORI: Kayo ba ang Big 4 ng PBB Celebratty Edition?... (napatingin kay Son Goku na siyang pinaka-eenie meenie minie mo sa grupo) Uy John Flatts! Teka muna, bakit mukha kang unggoy? Diba nagpagfloorwax ka na?
GOJYO: Oy Goku, mukhang nakikilala ng inutil ang kapwa inutil niya.
GOKU: Tumigil ka dyan! Di ko kilala ang tinutukoy niya. Baka kainin kita dyan eh!!!
GOJYO: Sumusobra na ata ang tiyan mo ah! Pati ba naman ako gusto mo nang kainin!
HAKKAI: Mga manlalakbay kami patungong kanluran. Kung maaari sana kami makituloy sa inyo kahit isang gabi lang.
PIKORI: O sige, maawain naman ako kahit konti. Pero tatandaan ninyo may mga palatuntunan kayong dapat sundin sa Bahay ni Loko.
SANZO: Palatuntunan. Ang dami pang arte.
HAKKAI: Sige na Sanzo. Konting tiis lang. Andito na tayo eh.
(Mula sa pagiging jeep, bumalik sa kanyang anyong dragon si Hakuryu. Pasqueek-squeek pa itong lumapag sa balikat ni Hakkai. Buti nalang nag-iisqueek siya pag dragon na siya, kasi kung ginagawa niya yun sa anyong jeep niya baka akalaing may deperensya ang makina niya.)
PIKORI: Ang kyooooooot!
HAKKAI: Siya nga pala si Hakuryu.
PIKORI: Pwede ko siyang hawakan?
HAKKAI: Oo naman.
(Lumipad si Hakuryu palapit kay Pikori. Best friends at first sight sila.)
Animalistics 15:29-30 He who loves creatures will be a creature with magnetic force towards other creatures. They will be held together with a special mighty bond with or without force or will.
PIKORI: Dahil dyan. May 30% discount kayo.
GOJYO: Teka lang akala ko libre to?
PIKORI: Wala akong sinabing ganun.
GOJYO: Pambihira! Peperahan pa ata tayo ng isang to.
SANZO: Tumatanggap ka ba ng credit card? (nilabas ang card na hindi naman pala kanya)
PIKORI: Cash only accepted.
HAKKAI: Sensya na. Wala kaming pera eh.
SANZO: Ano pa bang ibang pwedeng ipambayad sa inyo?
PIKORI: Si Hakuryu!
HAKKAI: Hoowag! (halos maglulumuhod sa pagmamakaawa)
PIKORI: Mga sandata ninyo.
GOJYO: Di pwede yan!!!
PIKORI: Eh kung pakalbo na lang kayo? Ibebenta ko nalang yung mga buhok niyo para gawing wig.
SANZO: Sira ka ba? Sa tingin mo gagawin namin yun?
HAKKAI: Excuse me. Kung utang na lang kaya? Babalikan ka namin. Magkano ba?
PIKORI: (ginamit ang calculator mind) 45,242,043 - 547,355 + 231(242.93) * 54.0993 / 120,298.87 / 1/213... =
... According to my calculation, kelangan ko kayong kiluhin. $74.29/kilo.
(Napanganga pa sila sa total ng ibabayad nila, lalo na't si Goku ang heavyweight champion nila. Si Hakuryu naman ang paperweight champion sa kanila. No choice sila eh, they have to abide by the rules or else evicted. Di bale may discount naman eh. Nagkaroon na rin sila ng contract signing at ribbon cutting as proof of evidence ng utang na dapat bayaran. Kung hindi ito mababayaran sa takdang panahon, oras at lugar, kailangan kumpiskahin ang mga sumusunod: si Hakuryu, Maten Sutra, sigarilyo at lighter. Isa pang karagdagang parusa ang pagsesemento sa bibig ni Goku na sinang-ayunan ng buong partido.)
PIKORI: You may now enter with or without I.D.
(Pagkatapak na pagkatapak pa lang nila sa sahig ng bahay ay unang-unang sumalubong sa kanila si Kisame. Wala talagang galang!)
SANZO: (binunot ang baril) Isa ka bang youkai!?
GOKU: (nilabas rin ang weapon of choice nang makita si Gaara) Tignan mo Sanzo. Isa pang youkai!
GOJYO: (pinapakiramdaman si Gaara) Pula nga buhok niya pero di naman tumutugma sa mga mata niya. Anong klaseng crossbreed yan?
(Biglang tinaas ni Kisame ang mga kamay niya sa pag-aakalang isa itong hold-up. Wala ang Samehada niya, naka-dry clean pa. Si Gaara naman, akala niya ay may nagaganap na raid kaya madalian niyang isinuko ang salarin na class-S criminal as in Class-Syokoy Criminal)
GAARA: Isusuko na namin si Hoshigaki Kisame sa inyo. Iwan niyo lang kami dito. Wala kaming ginagawang masama.
PIKORI: Anong kaganapan ito?
SANZO: Sinungaling ka! Isa pala tong pugad ng mga youkai.
PIKORI: Sigurado kayo? Look more closely.
GOKU: (lumapit at inobserbahan si Kisame gamit ang six senses) Hachoo! Amoy dagat, tulad rin ng amoy ng isang lintang dagat.
GOJYO: Anong ibig mong sabihin dun ha?!
SANZO: (tinago ang baril) Ibig sabihin lang nun na pareho kayong mga lamang-dagat.
GOJYO: Anoo!!! Mas di hamak na mas gwapo naman ako at habulin ng mga babae no!
(Gusto sana ni Kisame murahin si Sha Gojyo kaso narealize niyang may katotohanan ang mga salita nito. Mapapahiya lang siya sa bandang huli kung kokontrahin niya ang masaklap na realidad. Wala rin namang kakampi sa kanya kundi ang sarili niya. So nandedma nalang ang lolo niyong nagbibingi-bingian.)
KISAME: Hoy Pikori, sinong mga to? Bakit ka nagpapapasok ng mga unwanted visitors sa bahay na ito?
PIKORI: Isang araw lang naman natin sila palalamunin eh. Di ba Hakuryu?
(Hakuryu squeeks in reply)
PIKORI: Tutal nakahanda na ang hapunan...
(Di pa nga tapos sa kanyang welcome speech si Pikori ay nauna na sa dining area si Son Goku. Without even washing his hands, sinandok na agad ng hungry monkey ang kalderetang tutubi at kilawing linta. Eat lang siya ng eat nang di naman talaga niya nalalaman kung anong kinakain niya.)
Masibasians 28:40 What is important is not what the tongue tastes, but what the tummy receives.
Masibasians 28:21 It is better to eat anything than not to eat at all.

SANZO: (pinalo ng pamaypay ang alaga niya) Mahiya ka naman sa lalamunan mo! Pati ata pinggan balak mong patulan!
GOKU: Pero Sanzo di ko na talaga kaya eh. Mamamatay na ako pag pinalipas ko pa ang gutom ko.
KISAME: Ay naku mas mabuti pa nga! Kahit kainin mo pa yan lahat wala na akong pakelam.
GOKU: Talaga? Naku di ko akalaing mabuti ka pala! Maraming salamat! Kahit ganyan naman ang hitsura mo, mas mabait ka naman kesa sa lintang dagat na nakilala ko.
GOJYO: Ganun pala ha! (binatukan si Goku)
GOKU: Aray! Kumakain pa ko eh!
(Di alam ni Goku na ang dahilan pala ng act of hospitality ni Kisame ay dahil sa hindi nito masikmura ang mga insect dishes na to. Alam niyo naman na inutil na matsing yan eh.)
(Nagsalu-salo together ang home at visitors team habang nagto-talkathon sila.)
GOJYO: Grabe, paano niyo natitiis ang mga pagkaing ito?
GAARA: Matagal na kaming nagtitiis. Nagpapasalamat nga lang kami't buhay pa rin kami hanggang ngayon.
SANZO: Di na ako nagtataka kung bakit mga mukhang malnoris ang mga nakatira dito.
HAKKAI: Di bale isang araw lang to. Malalagpasan din natin ito.
(Tumugtog sa radyo ang kanta ni Nikki Tikki Bacolod na "Tell Me You Love Me.")
"...When I open my eyes and see you BWHHOOOOOOOY..."
(Nabuwisit si Sanzo kaya't pinagbabaril niya ang radyo)
PIKORI: Wala kang awa. Pati ang radyo na walang kamalay-malay pinahamak mo!
SANZO: Eh naririndi ako eh!
PIKORI: Sana kumunsulta ka man lang muna sa akin. Tignan mo't nakahandusay na siya't wala nang buhay!
SANZO: Isama mo na lang yan sa listahan ng babayaran namin.
(Nagchachat lang sila habang chumichikchak. Naging topic nila ang kani-kanilang adventures)
...
GAARA: Kung ganun, habol nila ang Maten Sutra mo.
KISAME: (tawang isda) Eh yung Kama Sutra?
SANZO: (sinubo ang exorcism gun kay Kisame) Pating, kung ayaw mong maging sardinas na wala nang ulo, mabuti pang itikom mo na lang yang mabaho mong bibig!
(Di rin napigilan ni Gojyo ang pagtawa sa Kama Sutra thingy. Mukhang expert na eh.)
SANZO: (tinapat ang baril sa ulo ni Gojyo) Isa ka pa! Baka gusto mo pareho ko kayong ilibing sa ilalim ng dagat.
GAARA: Ako na bahala magbaon sa kanila tutal kontrolado ko naman ang buhangin dun.
PIKORI: Isama mo na rin ang aking radyo. (mangiyak-ngiyak with a twist)
GOJYO: Masyado ka namang pikon Sanzo.
SANZO: At paanong hindi? Simula ng tumuntong ako sa pamamamahay na ito lahat ng bagay na makita o marinig ko nagpapainit ng ulo ko.
GOJYO: Wala na yatang laman ang lighter ko. Pasindi naman dyan o!
(Kumuha si Pikori ng isang torch at tinapat sa sigarilyo ni Gojyo)
GOJYO: Sira ka ba?! Gusto mo bang sunugin ang pagmumukha ko?
GOKU: Mabuti nga yun para maluto na ang malaswang lintang dagat na tulad mo.
GOJYO: Hoy matsing, pati ako gusto mong maluto! Balak mo nga ata talaga akong kainin eh. Di pa ba sapat yang mga kinain mo?
GOKU: Ayoko ngang kumain ng ipis na tulad mo!
(Nakatikim silang dalawa ng hagupit ng pamaypay ni Sanzo)
SANZO: (parang gustong hatiin hindi ang Advil kundi ang mga ulo nila) Tumigil na kayo! Sumasakit ang ulo ko sa inyo!!!
HAKKAI: May alak ba kayo dito?
PIKORI: Eto. (inabot ang Green Cross)
HAKKAI: Ah... eh... yung wine.
PIKORI: Alchoholic drink rin naman ito ah.
HAKKAI: (sweatdrop) Sige di bale na lang.
PIKORI: Rugby? (nag-alok ng garapon ng rugby) Nakaka-high to! Honey-flavored pa. Masarap ipalaman sa tinapay.
HAKKAI: (sweatdropsss) Salamat nalang pero di ako kumakain ng rugby.
(At dahil wala ngang maipambayad ang apatski na ito, nagjackenpoy na lang sila kung sino ang maghuhugas ng pinagkainan. Tinamaan ata ng malas itong si Goku.)
Masibasians 12:14 Whoever eats the most shall be the one responsible in cleaning the plates.
(Bago matulog, kinuha ni Pikori ang libro niyang "Mga Kwento ni Lola Bakokang" para sa bedtime storytelling session nila)
SANZO: Di namin kailangan ng walang kwentang kwento na yan para makatulog. Di namin isasama sa babayaran yang serbisyo mo.
PIKORI: Pero ito'y serbisyong totoo.
GOJYO: Manood na lang tayo. Anong laman nito ha? (kinuha ang video tape sa ilalim ng tv)
KISAME: Wag mo galawin yan!
GOJYO: At bakit hindi? Siguro may sikreto kang tinatago rito no?
KISAME: Sira! Mamamatay ka niyan after 7 days!
GOJYO: Grabe, ang hardcore naman nito!
SANZO: Mga gunggong. Ano naman kaya ang nakamamatay sa isang VHS tape?!
GAARA: Akala ko ba diniscard mo na yan?
PIKORI: Ano ka ba! Nagpadala lang ako ng pirated copy nyan sa iba. Kelangan ko magtago ng sarili kong kopya para may remembrance ako no.
GOKU: Saan na kwarto ko?
PIKORI: Anong kwarto?! Di kayo mga bedspacers kundi mga floorspacers. Dyan kayo maglatag ng banig sa sahig sa sala! Wala na nga kayong maipambayad eh.
GOJYO: Ops! Sa sofa ako.
GOKU: Ang daya! Dapat ako dyan. Ako na nga naghugas ng pinggan eh!!!
SANZO: Umalis na nga kayo sa harap ko. Dun kayo sa hardin matulog. Ang iingay ninyo!
HAKKAI: Mukhang kailangan uli natin paglabanan to ah!
(This time, gumamit sila ng bolpen ng kapalaran kung saan pinaikot-ikot nila ang pluma upang ituro sa kanila kung sino ang karapat-dapat na tagapagmana ng sofa. Di nakapagtataka, si Hakkai ang D' Lucky One.)
GOKU: Di pwede yan! Kinawawa niyo ko kanina eh!!!
GOJYO: Malas mo lang.
SANZO: Pwede ba, Goku! Gabi na!!! Hinaan mo boses mo. Marami ka na namang nakain kanina kaya wag ka magreklamo.
GOKU: Ah basta akin yan!
(Naging Great Ugly Shark si Kisame dahil di siya makarest in peace sa noise pollution na nagmumula sa sala. Pinuntahan niya ang mga ito upang takutin at bantaan gamit lamang ang kanyang scary facial expression)
GOKU: (kakikita palang kay Kisame) Wah! Kakainin niya ata tayo!!!
GOJYO: Lalong pumangit ang pagmumukha niya ha!
SANZO: Kaya tumahimik na kayo at baka dalawin pa niya kayo hanggang panaginip.
HAKKAI: Sige magandang gabi. Mauna na ko sa inyo. (humiga na ang hari ng sofa)... AraY! Ano yun?!!!
(May sumundot na spring sa kanyang pwitan)
GOKU: (tawang unggoy) Buti nga sa iyo!
HAKKAI: Di bale. Pwede pa namang masolusyunan yan. (ginawang butt shield ang throw pillow)
GOJYO: 'Kala ko pa naman kung ano nang nangyari sa iyo.
(Si Hakuryu ay sinama ni Pikori sa kwarto niya. Uy! Priveleged si Hakuryu, makakatulog siya sa malambot na kama di tulad ng mga amo niya. Si Peropero kasi na dating ginagawang stuffed toy ni Pikori ay inangkin na ni Kimimaro na ngayo'y namumuhay ng tahimik sa 2-storey doghouse na kamakailan lang ay pinatayo nila sa may hardin.)
(Habang nahihimbing na ang lahat, etong namang si Gojyo ay di matahimik dahil sa tindi ng curiosity sa video tape. Dudukutin sana niya ito nang biglang nagulat siya sa pagpaparamdam ni Gaara)
GOJYO: Sus! 'Kaw lang pala! Ginulat mo ko dun ah. Gising ka pa?
GAARA: Di ako natutulog. Lalabas lang ako't maglalakad-lakad. Ikaw dapat ang matulog na.
GOJYO: Hehe, tama ka. Siguro namamahay lang.
(Nang masigurong wala nang nagbabantay, nagpapakita at nagmumulto, hinablot na ni Gojyo ang tape at pinanood ito. Napanood niya ang mga kaabang-abang na eksena: isang babaeng nagsusuklay sa salamin, matang may kanji, etc hanggang dumating sa climax, ang balon.)
GOJYO: Anong klaseng palabas to?! Wala na ngang plot, wala pa akong naintindihan!
(Humiga na lang si Gojyo na nanghihinayang sa nasayang na oras na sana'y itinuon na lang niya sa pagtulog... Unti-unting mararating panaginip at bituin... hanggang sa siya'y managinip na kausap raw niya si Pikori sa sala)
*start of dream*
GOJYO: Di ka ba naiilang na puro lalaki lang ang kasama mo sa bahay?
PIKORI: At bakit?
(Maya-maya, may kinakausap si Pikori na hindi nakikita ni Gojyo)
PIKORI: (to whom it may concern) Halika na, Halika na, Kanta tayo, halika na! Sabay-sabay tayong awitin na...
(Biglang may gumapang na duguang babae pababa sa hagdan. May isa pang babaeng may long hair na lumabas mula sa balon sa monitor ng television set. May isa ring multong bakla na nabuo na lang mula sa alikabokya. Nakijoin sila kay Pikori at saka sumayaw to the rhythm of the beat... "Ang ganda ko, feel na feel ang long hair ko! Ang ganda ko, feel na feel ang long hair ko! Ang ganda ko, the lucky one magiging papa ko, Ang ganda ko!"
Sina Kayako ng "Ju-On The Grudge", Sadako ng "The Ring" at si Aling Bakekang ng "Vidjoking" ay bigay na bigay sa pamumuno ni Pikori. Nalimutan na ata nilang multo na rin sila with the exception of the Aling Bakekang dahil until now hindi pa rin mawari kung siya't patay o buhay kaya sabihin nalang nating siya'y "living dead.")
PIKORI: Kitams, I AM NOT ALONE...
*end of dream*
(Napatili sa takot etong si Gojyo. Ang kanyang sigaw ay nagsilbi na ring wake up call ng buong kabahayan.)
SANZO: (pinalo ng accordion fan ang ulo ni screaming Gojyo) Tumigil ka nga dyan! Ang aga-aga, ingay-ingay!
HAKKAI: Gojyo, anong nangyayari sa iyo?
GOJYO: Ang video tape! Sinumpa ang video tape na yan!!! May mga nilalang sa bahay na ito na hindi tao! Mga multo!!!
SANZO: Pati ba naman ikaw naniniwala ka dun.
HAKKAI: Siguradong nananaginip ka lang. Mabuti pa siguro itulog mo nalang uli yan.
GOJYO: Totoo ang mga sinasabi ko!
GOKU: Ano ba!!! Iniistorbo mo tulog ko!
GAARA: Sinasabi ko na ba. Pinanood mo kagabi.
GOJYO: Eh sa di ko matiis eh.
KISAME: Wala na. Mamamatay ka na.
GOJYO: HindE! HindE maaari!
SANZO: Kalokohan!
PIKORI: Kailangan mong gumawa ng isa pang kopya at ipapanood mo sa iba. Yun lang ang tanging paraan para makaalis sa sumpa.
GOJYO: Goku...
GOKU Ba't ako?
GOJYO: Sanzo...
SANZO: Sira!
GOJYO: Hakkai...
SANZO: Pasensya na. Ayoko ring makelam dyan eh.
GOJYO: Goku, sige na!
GOKU: Ayoko nga eh!!!
GOJYO: Pambihira! Parang di ko kayo mga kaibigan.
SANZO: Ikaw ang pumasok sa gulo na yan kaya bahala ka sa buhay mo! Wag mo kaming idamay dyan.
(Biglang giniba ni Lirin ang pintuan ng bahay nila at pumasok nang wala man lang kahit MMDA permit)
LIRIN: Baldy na Sanzo! Maglaro tayo! (tatalon sana kay Sanzo pero umilag ito)
SANZO: Isa pa to. Pampasira talaga ng umaga ko.
LIRIN: Sige na Sanzo, laro tayo. (nagpalundag-lundag na rin sa banig)
SANZO: Maglaro ka mag-isa mo... Oy, kayong tatlo dyan. Tumayo na kayo't aalis na tayo.
GOKU: Di pa nga ako nakakatulog uli eh.
SANZO: Ah basta! Wag na kayo magreklamo pa.
GOKU: Mag-aalmusal muna ako.
SANZO: Wala na tayong oras para dyan. (hinila si Goku)
GOKU: Kasalanan mo yan lintang dagat, sinira mo ang masarap kong tulog.
GOJYO: Aba! Akala mo lang ba ikaw lang ang nasiraan ng good night sleep dito ha! Sa tingin mo ba ginusto kong bangungutin ha!
KISAME: Sino na naman ba ang isang ito?
LIRIN: (nakita sina Kisame, Gaara at Pikori) Uy may mga bago akong playmates! O sige ikaw si Mr. Sharky, Panda Baby at Cheverlu ever!
KISAME: Ano!!! Ako si Kisame!!!
LIRIN: O sige, Mr. Sharky. Kunwari ako pusa at ikaw isda. Huhulihin kita! (nagtakbuhan silang dalawa all over the furnitures, ober da bakod, o'er lands and overseas kaya over rin sa over ang mess all over)
KISAME: (hingal isda) Ayoko na! Bakit ba ako tumatakbo?!
LIRIN: Kakainin kita, fish ka! Meow, meow, NGEEEEOOOW!!!... Teka lang, para akong nakakaamoy ng siopao!
(Naghanda si Pikori ng special siopaoific breakfast. Wag na nating alamin pa ang ingredients)
LIRIN: Wow! My peyborit!!! (hinila si Gaara at pinaupo sa silya) Halika, Panda Baby, susubuan kita!
(Ayaw ibuka ni Gaara ang kanyang bibig either dahil sa alam niya ang gravity ng lutong Pikori or maybe dahil na rin sa isang kahihiyan para sa future Kazekage ang subuan ng isang batang-isip na youkai)
LIRIN: Ba't ayaw mo? (minumudmod na ang siopao sa mukha ni Gaara)... Ah alam ko na! Heto na ang tren. Choo! Choo! (ipapasok sana sa tunnel ni Gaara pero closed ito. Out of order ata.)... Gusto mo ba lagyan ko ng sauce?...
(Di talaga kumikibo si Gaara. Para siyang istatwa ng pinatuyong buhangin)
LIRIN: Hello? Knock, knock! (kinakatok ang ulo ni Gaara)... Ano ba! Papakainin kita, palpaliguan pa, papatulugin at papaypayan! (sinabi niya ang mga bagay nito dahil feeling niya parang si Chuckie doll ang kaharap niya)
(Tumayo si Gaara upang layuan ang illegal owner niya.)
LIRIN: Teka! Wag mo ko iwan. Di ko pa nauubos siopao ko. (pinaglalamon ang mga siopao)
GOKU: Oy magtira ka naman para sa kin!
SANZO: Tumigil ka nga dyan! (hinila uli si Goku)
LIRIN: Uy Sanzo, kain tayo.
PIKORI: Gusto mo kantahan kita?
LIRIN: Ako kakantahan mo? Talaga? Yehey!!! Ang bait talaga ni Ate Cheverlu! Chever talaga as in nakakachorva! (niyakap si Pikori)...
PIKORI: (to the tune of Leron Leron Sinta) LIRIN LIRIN sinti biki ning pipiyi dili dili bisli sisidlin ning bingi pigditing si dili nibili ing singi kipis kipilirin himinip ning ibi!
LIRIN: Ay ang galing! Personalized pa talaga para sa akin!
(Aalis na sina Sanzo, atbp nang humabol si Lirin)
LIRIN: Teka muna Sanzo, pakinggan nyo muna yung bagong kanta na gawa sa 'kin ni Ate Chever!
SANZO: (kay Pikori) Saka na namin babayaran ang mga utang namin at pati yung mga penalty.
GOKU: (grabbing for siopao) Siopao!!!
SANZO: (hinila si Goku bago pa makadukot ng isa) Tayo na!
GOJYO: Sandali lang... (iniabot kay Lirin ang kopya ng tape) Bigay mo sa Kuya Kougaiji mo.
HAKKAI: Maraming salamat sa inyo. Magpapaalam na kami. (Magda-drive na sa Hakuryu jeepney)
PIKORI: Balik ka Hakuryu! Bye! Bye!
(Umandar na ang dyip at naglaho na patungong kanluran)
PIKORI: (sigh) Sana magkaroon din ako ng alaga na tulad ni Hakuryu na pwedeng magtransform sa sasakyan para tipid sa gasolina.
LIRIN: (nag-alarm ang kanyang clock) Ay! Uwian na pala. Ang bilis naman ng oras o! Sa sunod ituloy natin ang bahay-bahayan ha. Bye Mr. Sharky. Bye Panda Baby. Bye Te Cheverlu. Ipaparinig ko kay Kuya mamaya yung bagong Lirin theme ko. Weepee! (rumagasa faster than a speeding bullet and quicker than road runner)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home