Scratch Paper

Where the only thing you can do is scratch your head...

Tuesday, March 14, 2006

Forbitten Love

OPENING THEME [DALMATIAN SARANG]

(Nagtipun-tipon ang mga ninja dogs ni Kakashi sa pamumuno ni Pakkun)
PAKKUN: Sa wakas, sumapit na rin ang araw na pinakahihintay nating lahat! This is D-day, our Dog Day! Ang araw na maibabalik natin muli ang karangalan ng ating lahi. Di na ako makakapapayag na muli tayong maunhan ng mga Askals Next Door. Ang mga asong may rabies na iyon ay wala namang ginawa kundi lumaboy at tumambay. Mga uncivilized! Samantalang tayong mga ninja dogs ay halos araw-araw nang nagbubuwis ng buhay para sa ating mga misyon! ...At dahil year of the fire dogs, siguradong nasa atin ang swerte. Mapapasakamay rin natin ang nilalang na iyon na mula sa angkan ng Kaguya!
THE VOICE WITHIN: Hanggang saan ka ba aabot sa kakahabol dyan kay Kimimaro?
PAKKUN: Hanggang sa dulo ng walang hanggan!
(Nagtaka ang mga aso kung bakit nagsasalitang mag-isa si Pakkun)
PAKKUN: (coughs guiltily) B-bueno! ... Mabuhay ang mga ninja dogs!
(Tinaas niya ang right paw as symbol of authority at nagtahulan ang mga aso in respect)
PAKKUN: And the search starts... NOW!
(naghiwa-hiwalay ng landas ang mga hot dogs upang gamitin ang kanilang powerful sense of smell sa paghahanap sa Buhay na Buto. A little later, may umalulong. Senyales ito na natagpuan na nila si Kimi-marrow. Nagkita-kita ang mga Leaf Dogs sa parke ngunit bigla silang napahinto at napatulala sa kanilang naabutang eksena)

(Everything is in slow motion. The wind blows and nagliliparan ang petals ng bulaklak sa paligid as palapit ang camera sa view)

BACKGROUND MUSIC [CLOSE TO YOU]
Why do dogs suddenly appear
Everytime you are near
Just like me they long to eat
all your bones


(Nagpipiknik si Kimimaro at Peropero. Sinusubuan ni Kimimaro ng dog biscuits ang partner. Dinilaan siya ni Pero-chan in return)

KIMIMARO: Iwa-chan, iyo nang nabihag ang puso kong ito. Ayoko nang mawalay pa sa iyo, o mahal kong doggiepie. (niyakap si Peropero na nagblush) O napakasarap mong yakapin. Pag niyayakap kita ay para ko nang niyayakap ang mga ulap sa kalangitan. Napakasarap gawing pahingahan ng aking mga buto. Ang iyong mga balahibo'y busilak sa ganda, napakasarap haplusin. O madilaan mo lang ako'y nanghihina na ako. Handa akong ibigay sa iyo ang lahat ng aking mga buto.

(Naglabas si Kimimaro ng buto mula sa kanyang braso at naglaro sila ng fetch the bone. Ilang minutong lumipas, may dumaang ice cream cart. Huminto sila saglit sa kanilang game of love at bumili si Kimimaro ng chocolate ice cream na pinagsaluhan nilang dalawa. Ohhh... ang sweet nila parang nakakadiabetes, pero don't worry there's no sugar. On the other hand, ilang minuto ring natulero ang mga Kakashi dogs sa kanilang napanood. Nang marealize ni Pakkun na tumatama na pala sa lupa ang kanyang baba at nilalangaw na ang bibig nila sa sobrang pagkanganga ay bumalik uli siya sa kanyang duty bilang commander Pakkun)

PAKKUN: Aaaaargh! Hindi ito maaari! Hindi tayo dapat maunahan ng ibang aso!!! Isa itong kahibangan... SUGOD MGA KAPATID!

(Parang police dogs na sinugod ng tropa si Kimimaro)

BACKGROUND MUSIC [WHO LET THE DOGS OUT]

KIMIMARO: S-sila na naman! Kailangan nating makatakas, iwa-chan. Delikado tayo rito. (binuhat niya si Peropero at itinakbo) ...Patawarin mo ako, naidamay pa kita sa kaguluhang ito. Pero wag ka mag-alala di ako kailanman makapapayag na saktan ka rin nila!

(Nag-run, jog, hop, skip, jump, dive, swim, roll, crawl, tumble down, fly, ride at lahat na ata ng uri ng pagtakas ay ginawa na nila makaiwas lang sa mga nauulol nang aso. Nang maabot na nila ang Great Wall of China, di na sila makawala pa sa barrier kaya napagdesisyunan na ni Kimimaro da Wonder Bone na harapin sila. Ibinaba niya si Peropero nang dahan dahan)

KIMIMARO: Mukhang hanggang dito na lang tayo. Wala na tayong magagawa pa kundi ang makipaglaban sa kanila. Wag kang mag-alala, kakayanin ko sila alang-alang sa iyo, iwa-chan.

(Hindi pumayag si Peropero na harapin niya ang mga ito ng mag-isa kaya naman buong tapang rin siyang pumusisyon sa tabi ni Kimimaro)

KIMIMARO: I-iwa-chan? Ngunit... Di mo sila kakayanin. Mga ninja dogs sila! At isa pa, di ako makapapayag na mapahamak ka! Kung may mangyari sa iyo, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

(Tumahol si Peropero to tell na hindi siya aalis sa tabi niya no matter what)

PAKKUN: (lols like ulol) Tama ba itong nakikita ko? Pumapatol ka na pala sa isang aso?
KIMIMARO: Tao man o hayop, sa pag-ibig lahat ay pantay-pantay!
PAKKUN: Ganun pala ha! Tignan natin kung pantay-pantay ka pa rin pagkatapos namin sa iyo!
(Umatake silang lahat. Si Kimimaro ay nagsimula na maglabas ng kanyang variety of bones, most especially yung matutulis na parang tinik for defense. Dem bones, dem bones, dem bones... Napansin ni Pakkun na haharang harang si Peropero kaya naman ito muna ang inuna niya. Dahil ayaw naman niyang saktan ang walang kalaban-laban na aso ay kinulong na lang niya ito sa basurahan. Si Kimimaro ay nagmukha nang Stegosaurus, living fossil, skeleton at Bone Thugs pero walang kaepek-epek ang mga techniques niya at sayaw. Sa halip ay tila sarap to the bones pa ang enjoyment ng mga manlalapa niya. Tuloy ang sagupaan hanggang sa Etheria. Kagat dito, bali doon, crack rito, chew diyan, ngatngat here and ngangat there, here ngat, there ngat, everywhere ngatngat. Iyak nang iyak si Peropero at nagpilit nang makalabas sa lata ngunit nagpagulung-gulong ang recycle bin sa kahabaan ng Great Wall)
KIMIMARO: IWA-CHAAAAAAN!!!

BACKGROUND MUSIC [HANGGANG MAY K-9 MAN]

(Hindi nila pinakawalan si Kimi-chan. Pinakyaw nila ito sagad hanggang buto, hanggang sa maubos na ang kanyang buong lakas at chakra. Inabandona nalang nila ito sa daan matapos masimot ang kanyang exoskeletons. Iniwan nila itong lantang gulay na at kaawa-awa sa gitna ng daan na para bang katatapos lang niyang ma-gang rape. But still pinilit niyang tumayo upang halughugin ang buong China at hanapin ang kanyang lovey doggie. Muntik pa nga siyang masagasaan ng trak ng basura. Buti na lang ay naawa ang driver at isinakay siya sa likuran. Habang nagsesenti siya sa tambak ng basura ay may kumahol sa likod niya. Si Peropero! Tumalon siya papunta sa kanyang bone lover at dinilaan ito. Yakap naman niya ng mahigpit ang asong dating kulay puti ngunit naging itim dahil sa dumi, habang sinasambit ang "iwa-chan, buti't ligtas ka!" Naiyak ang basurero sa touching moment kahit na wala siyang naintindihan sa language nila dahil Instik siya. At umuwi na silang dalawa pabalik sa Fool House)

(Sa Fool House naman ay abalang-abala si Pikori sa kanilang dinner)
PIKORI: Dahil araw ng mga puso ngayon, magse-celebrate tayo! (naghanda ng puso ng saging sa mesa)
KISAME: Ano yan? Sa tingin mo kakainin namin yan? Di mo man lang hiniwa! Tignan mo, buong buo parang kapipitas lang sa puno.
PIKORI: Di maaari! Dahil baka mabroken hearted yan!
GAARA: Eh di paano namin kakainin yan?
PIKORI: Just follow your heart.
KISAME: O siya siya! Sige na, Gaara. Iyo na yan. Alam kong nagdurugo ang puso mo kaya binibigay ko yan sa iyon nang buong puso.
GAARA: Ngayon lang ako magiging mapagbigay kaya tinatanggihan ko ang alok mo. Para sa iyo, Kisame.
(Nagkatinginan na lang si Gaara't Kisame hanggang sa sabay na nagspark ang idea sa kanilang mga utak-talangka)
KISAME & GAARA: Pikori, alay namin sa iyo! (sabay abot sa kanya ng platong naglalaman ng heart of banana)
PIKORI: Awww! Ang sweet niyo naman! Kaya heto't dadagdagan ko pa ang hearty meal natin. (naglabas ng hearty flakes, Quacker Oats at century tuna) Sige kain lang, it's good for your heart!
(Nadismaya sina Kisame at Gaara. Wala ni isa sa kanila ang kumuha ng servings)
PIKORI: Sinabi ko na ngang KUMAIN NA KAYO EH!!! (naglagay ng bowlful of oatmeal sa mga plato nila with bits of adobong puso ng manok)
KISAME: Ano yan!? Nilalagay ba talaga yan sa oatmeal?
PIKORI: Bakit! May reklamo ka? Ulam niyo yan ah!
GAARA: Dasalan nalang natin ang pagkain baka sakaling sumarap. (mala-epileptic na nagscoop ng 1/10 tbsp ng gachas de avena con corazon)
KISAME: Di mo yan madadaan sa santong dasalan. Kahit pa ipabendisyon mo yan sa simbahan, di yan uubra!
PIKORI: Aba! Tinatanggihan nyo ba ang grasya? Buti pa nga kayo may kinakain samantalang ang iba diyan TAO na ang kinakain!
KISAME: Mas gugustuhin ko pang ngang maging bampira na lang!
PIKORI: Baka piranha!
KISAME: Wala kang puso!
PIKORI: Bakit, ikaw ba meron? Wag mo ipamukha sa akin na meron ka dahil kahit anong gawin mo hindi mo maihahalintulad yan sa heart of the ocean na lumubog kasama ng Titanic... (tumingin naman kay Gaara) At isa ka pang may pusong bato! ...Di niyo ba alam na nanonood ako lagi ng Iron Chef para lang magawan ko kayo ng kakaibang mga recipes?! (sabay buhos ng century tuna sa oatmeal ni Kisame)
KISAME: AAaaargh! Alisin mo yan sa akin!
PIKORI: Kainin mo yan! Di ka naman tuna. Isa kang pating!
KISAME: Ayoko na! Wala na akong gana. (tumayo)
PIKORI: Saan ka pupunta?
KISAME: Maghahanap ako ng date ko... Tayo na, Gaara. Sumali tayo sa mga dating game. Iwan na natin ang Pikori na yan!
PIKORI: Di kayo pwedeng umalis. Baka magkastampede dahil sa inyo!
(Matapos ng maikling pagdedebate, napilitan rin silang magsuffer sa supper)
KISAME: Heto na ang last supper ko.
PIKORI: Magtigil ka at baka magkatotoo yan.
KISAME: Ba't mo naman nasabi yan?
PIKORI: Dahil baka ikaw na ang uulamin namin bukas.
KISAME: OO NA! KINAKAIN KO NA O! (sabay lunok habang pisil-pisil ang ilong) BWE!!! May after taste!
PIKORI: Syempre naman no! Para naman talagang malasahan niyo.
KISAME: Pambihira, Iron Chef ka nga. Iron Chef na kinakalawang.
(Maya-maya may kumatok sa pinto. Nag-unahan sina Ga at Ki sa pagbubukas nito, makatakas lamang sa dreadful dishes nila. Nakita na lang nila sa labas ang isang nilalang na gula-gulanit ang pananamit at almost naked na. Cradle niya ang isang hayop na hugis plat na lobo)
KISAME: Grabe ang babaho! Mga muchas grasas!
GAARA: (tinititigan ang pulubi) Teka, parang may kamukha ka...
KIMIMARO: Kami ito, sina Kimimaro at Peropero!
PIKORI: O anong nangyari sa inyo? Saang lupalop kayo napadpad at ngayon lang kayo. Gabi na ah! Ang sabi mo sa akin ipapasyal mo lang si Peropero, eh bakit parang dinala na ata kayo ng ipu-ipo sa Smokey Mountain? May bagyo bang dumaan na di ko nalalaman? Anong ginawa ninyong dalawa? Ano?!
KIMIMARO: Mahabang istorya, saka ko na ipapaliwanag. (Pumasok sila sa loob) Pero bago ang lahat, gusto ko sanang ipagtapat ito sa inyo... MAHAL KO NA SI PEROPERO!!!
(Parang tinaga ng itak ang mga puso nila sa breaking news)
PIKORI: W-wag mo s-sabihin na nagdate kayo kanina?
KIMIMARO: Totoo yun. Patawarin niyo sana kami kung naglihim kami. Ako nalang ang parusahan ninyo wag lang ang aking iwa-chan.
KISAME: IWA-CHAN?!!
PIKORI: H-hindi p-pwede y-yan! I-isa i-itong kah-hihiyan. A-alam mo b-ba k-kung anong mga n-nilalang k-kayo at anong m-mga g-gender n-ninyo?
KIMIMARO: Di na iyon mahalaga sa amin. Ang importante ay nagmamahalan kami ng totoo.
(Binigyan ni Kisame si Pikori ng isang basong salty water para kumalma)
PIKORI: Pwe! Ano 'to pangmumog? (binuhos ang tubig-alat sa ulo ni Kimimaro upang bumalik ang dating kaputian nito)
PIKORI: Mga stupid talaga ang mga cupid! Papana nga lang sila, sablay pa!
KIMIMARO: Hinihingi po namin ang basbas ninyo.
(Tumahol rin si Peropero to agree)
GAARA: Tama ba ito? Isang pagmamahalan sa pagitan ng isang aso at buto?
KISAME: At ang kapal pa! Nakuha pang humingi ng bendisyon. Anong tingin niya sa atin mga magulang ng aso?
PIKORI: (lola lol) Puppy love lang yan, Kimimaro! Ano ka ba!
KIMIMARO: But I believe in puppy love... it just stays with you...
PIKORI: (umarte na parang hinihika at biglang pinagsasakal si Gaara) Bakit?! Bakit?! Bakit ganito ang buhay ko? Parang gulong ng palad... gulong ng palad... gulong ng palad... gulong ng palad...
KISAME: (hinihila si Pikori) Ano ka ba! Pagulong-gulong ka lang dyan eh!
(Binitawan ni Pikori si Gaara na nachoke-choke-choke)
PIKORI: (face to face w/ Kimimaro) Napakaswerte mo sa pagkakaroon ng pusong mamon kaya naman... I'M GONNA EAT YOUR HEART OUT!!! (binaon niya ang kuko niya sa dibdib ni Kimimaro)
(Nataranta ang lahat pati na si Peropero ay napaungol. Sinubukan nilang pigilan si Pikori na mukha nang mabangis na kumiho, ngunit lahat ng efforts nila ay nasayang nang bumagsak si Kimimaro hindi sa quiz kundi sa sahig)
PIKORI: (evil lol habang hawak ang fresh puso) Nasa akin na ang puso mo! ...Ha? P-puso??? P-puso nga ito!!! Aaaaaarrrgggghhh!!!
KISAME: Di ako makapaniwala. You took his heart away!
GAARA: Anong balak mo gawin dyan? Wag mo sabihin ipapakain mo sa amin yan!
(Tatalon sana si Peropero upang agawin ang puso ni Kimimaro sa mga kamay ng napopossess na namang si Pikori ngunit nauntog siya sa Samehada ni Kisame na kasintigas ng plywood. Si Pikori naman ay inatake sa puso)
GAARA: Ang puso mo! Ang puso mo!
(Nawalan ng malay si Piko-chu)
GAARA: Tumitibok pa ba ang puso niya?
(Chineck ang pulse)
KISAME: Yan pa eh survivor yan. Alam naman nating matagal mamatay ang masamang damo.
GAARA: Ano nang gagawin natin sa mga ito?
KISAME: I-CPR mo silang lahat.
GAARA: Ano?! BAKIT AKO??? Ikaw nalang. May baga ka at gills, kaya marami kang supply ng oxygen.
KISAME: Eh di gamitin mo yun! (sabay turo sa oxygen tank sa aquarium)
(Nagressurect bigla si Pikori)
PIKORI: Grabe! Akala ko di na ako makakabalik! Bigla ba naman akong bumagsak sa impyerno. Ang pagkakadinig ko, ipapa-CPR daw nila ako sa mga demonyo. Buti nalang nabigyan ako ng 2nd chance. Salamat naman! (sings) Ang puso ko'y nagpupuri. Nagpupuri sa Panginoon...
(Nagkatinginan sina Kisame at Gaara in an idiotic way)
PIKORI: Teka, anong nangyari dito?
GAARA: Dinurog mo ang puso ni Kimimaro.
PIKORI: O HINDEEEE!!! Gawan ninyo ng paraan! Dali!
GAARA: Ipa-heart transplant natin siya. Yun nalang ang natitirang paraan.
PIKORI: Kung ganun tumawag ka na ng ambulansya.
(Nagdial na si Gaara sa telepono ng 8-7000)
KISAME: Siguradong dead on arrival na yan pagdating doon.
PIKORI: (napatingin sa may dining room) Hayun! Kunin mo ang puso ng saging. Yan muna ang isaksak natin sa kanya habang naghihintay!

(Pagkatapos nila kabitan si Kimimaro ng pekeng puso ay dinala na nila ito sa Philippine Heart Center upang iconfine. Dinisguise pa nila si Peropero as stuffed unan ni Kimimaro para maipuslit lang nila sa loob. Si Pikori at Gaara naman ay nagdate na lang sa harap ng vendo machine sa loob rin ng ospital. Kahit papaano nakuntento na rito si Gaara dahil nakalusot rin siya sa wakas sa mapapangahas na lutuin ng Rusty Iron Chef. Nag-enjoy rin siya sa kakapindot ng mga buton at pag-insert ng coins na para bang naglalaro sa arcade, kaya naman halos lahat na ata ng klase ng snacks sa vendo ay nakolekta na niya. Si Pikori ay panay hingi lang nang hingi sa kanya due to librety, or state of being libre. Silang dalawa ay nagkaroon ng heart-to-heart talk kung sino ang nararapat na ifeature sa susunod na episode ng "Pusong Wagi," kung ano ang magandang gawing topic sa "Kapuso Mo, Jessica SOCO," kung anong kapuso show ang pinakacorny, at kung sinong masayang saksakin ang puso sa mga Stariray survivors. Sa kabilang banda, si Kisame ay walang ginawa kundi manligaw ng mga nurses na bigla nalang kinukombulsyon sa tuwing nakakaharap siya. Lalo tuloy dumami ang bilang ng mga pasyente hanggang sa magkasiksikan na sa emergency room at mga ward. Napilitan tuloy ang mga security guards na palayasin na ang pating na naghahasik ng epidemya sa lugar... HAPPY VALENTINES DAY!!!)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home