Nang Bumaligtad Saglit Ang Mundo
(Pinapasyal ni Pikori si Peropero sa labas ng bahay. Kasama niya si Shikamaru. Nasalubong nila si Kimimaro sa daan.)
PIKORI: Ayoko sa yo, Kimimaro. Inaaway mo kc c Tayuya! Napipikon ka lang siguro lagi sa kanya. Pikon! Pikon!
KIMIMARO: Pwede ba, wag kang makialam sa kung anong namamagitan sa aming dalawa.
PIKORI: Ops! Wag mo akong madaan-daan sa mabutong usapan!
SHIKAMARU: Pikori, wala ka bang napapansin. Lahat ng mga guests mo sa blog puro magkakalaban, kundi man dating naging magkalaban.
PIKORI: Anong gusto mong sabihin? Dapat isama ko sa mga friendsters ko tong... (pinipindot ang 2 dots sa noo ni Kim) ...nilalang na may buttons sa ulo?
KIMIMARO: ^^""""
SHIKAMARU: Ang tanong, paano mo kami pagkakasundu-sunduin?
PIKORI: Hmmm... di na kelangan. Mas magulo mas masaya!!!
SHIKAMARU: Naalala mo pa ba yung sinabi mo sa akin. "Tell me hu ur friends are and I'll tell you hu u r."
PIKORI: So?
SHIKAMARU: Ngayon, may conclusion na ako kung ano ka nga... isa kang baliw.
PIKORI: At least meron akong isang kaibigan na genius at ikaw yun!
SHIKAMARU: Ano ako, pang-neutralize?
PIKORI: Oo, buti alam mo.
KIMIMARO: Kung ganun, isa ako sa mga guests sa blog na ito. Di nyo ba ini-entertain ang mga guests mo?
PIKORI: Sori, pero I don't give that typical welcome.
SHIKAMARU: Tama, kaya maghanda ka ng payong, Kimimaro dahil uulanin ka nyan ng mga insulto.
PIKORI: Actually, di ko naman feel na imbitahan si Kimi dito eh. Pero posible parin namang maging kakosa ko yan, sa isang kondisyon.
KIMIMARO: Kakosa mo? (mag-iisip) ...Di ako interesado pero walang masama kung itatanong ko kung anong kondisyon.
PIKORI: Hindi ba naghahanap ka ng silbi sa buhay? Malaki ang maitutulong mo sa akin! ...Tutal marami ka namang supply ng buto, pwede bang makahingi para sa bulalo? Wala na kasing ulam mamaya eh.
(Nanlaki ang mga mata ni Kimimaro at Shikamaru sa shock para silang in-electricute sa isang electric chair na milyon-milyon ang volts)
PIKORI: At saka, makipaglaro ka na rin kay Peropero ng fetch the bone.
(Nag-wag ng tail si Pero2x as if naintindihan niya)
PIKORI: Pag-isipan mong mabuti... Btw, where do u get ur calcium ba?
KIMIMARO: Ha? ... Ah it's in my bloodline.
SHIKAMARU: No, it could be the milk.
PIKORI: Yah, it could be the milk.
(Iniwan na nila si Kimi na nag-iisip kung anong gatas ang nainom niya at naover yata siya sa calcium)
PIKORI: Alam mo, Shik. Magchoreographer ka nalang.
SHIKAMARU: Di naman ako mahilig sa sayaw. Anong pumasok sa isip mo at nasabi mo yan?
PIKORI: Dahil kapag ginamit mo na ang shadow manipulation mo sa buong dance troop, siguradong sabay na sabay na sila sa kilos mo.
SHIKAMARU: Nakakatakot talaga kayong mga babae. Kung di man kaya magmukhang halimaw pagnagagalit, kung anu-ano naman ang tumatakbo sa isip ninyo. Di ko kayo maintindihan. Ang madalas, kung magsalita kayo akala ninyo kontrolado niyo na kaming mga lalaki.
PIKORI: Aba! Dapat ka lang matakot no dahil kapag di ko nakontrol ang sarili ko baka mahati ko yang ulo mong hugis pinya.
SHIKAMARU: Papagurin mo lang sarili mo. (pabulong) Ni carrots nga di mo pa kayang islice nang maayos. Kaya naman di maintindihan ng mga housemates mo kung nagpapractice ka ba ng sculpture sa kusina.
PIKORI: Oy narinig ko yun! Minamaliit mo ba ako? Eh ikaw, kaya mo bang magluto? Wala ka namang kaya kundi matulog at tumunganga sa ulap!
SHIKAMARU: Kaya mo bang maglaro ng chess o makipaglaban na parang ninja?
PIKORI: Kung kaya mo, kaya ko. Kaya mo, kaya ko! Kaya ko, kaya ko, Kayako!!!
SHIKAMARU: (kinilabutan)... (kay Pikochu) Di ba sabi ko sa iyo wag mo akong ikumpara sa iyo.
PIKORI: Di mo lang kasi matanggap na may mas magagaling na mga babae kaysa sa iyo. Tignan mo sa mundo namin, babae ang presidente, babae rin ang nanalo sa Pinoy Big Brother kahit brother pa yung title!
(Nagkataong napadaan si Temari)
PIKORI: Temari-mari! Temari-mari! (tumakbo sa likod ni Temari) Sabi ni Shik, di raw kaya tapatan ng mga babae ang mga lalaki... Wala raw tayong karapatan sa mundong ito!!!
TEMARI: SHIKAMARUUU...!!! 'Lang hiya ka! Yan ka na naman! Subukan mo ulit maliitin ang mga kababaihan at matitikman mo ang galit ko!!! (nilabas ang giant pamaypay)
SHIKAMARU: Wa...wala akong si...sinabing ganyan, Temari, huminahon ka lang... (kay Pikochu) Pikori, nagtaksil ka sa pagkakaibigan natin! Sumusobra ka na ah!
(Nambebelat lang si Pikori at si Peropero na mukhang 4ever nang nanggaganun)
TEMARI: Kailangan mong maramdaman na kaming mga babae ay kapantay na rin ninyong mga lalaki!!! Hetong sa iyo!!! (Winagayway na niya ang gigantic fan)
SHIKAMARU: (nagtago sa puno na unti-unting nachop into pieces ng hangin ni Temari) Naku, patay, isa pa itong nakakatakot! Masyadong mahangin ang babaeng to!
PIKORI: Tama si Temari-mari! Tandaan mo Shikamaru, marami na ang astig na babae ngayon! Sina Darna, Krystala, Volta, Super B, at ang mga diyosa ng Encantadia!!! Si Sadako, si Kayako, Buffy D Vampire Slayer, Charmed Sisters, Sabrina the Teenage Witch, Electra, Lara Croft...
SHIKAMARU: Oo na! Sige na, tama na... (sa sarili) Bukas ka pa matatapos nyan! (nakayuko na si Shikamaru sa napugutang puno)
TEMARI: Hmp! Yan ang bagay sa kanya!
PIKORI: Tindi ng powers mo, Temari-mari! Pwede ka na rin maging isang magtotroso!!! TEMARI: Aba syempre, kung anong kaya ng lalaki kaya na rin ng babae!
PIKORI: Teka... mukhang may nadaganan sa banda dun.
(Nilapitan nilang tatlo ang katawan at tinulak nila ang troso)
PIKORI: O hinde!!! Tayuya!!! Ikaw kc Temari, di ka nag-iingat!
TEMARI: Aba! Siya yata ang haharang-harang no!!!
PIKORI: (hinawakan niya ang kamay ni Tayuya) Tayuya, don't leave me! ... Mabuhay ka! Tayuya, tayu! Tayu! tumayu ka, tayu! (niyakap niya si Tayuyang walang-malay)
SHIKAMARU: Naku, yuri na 'to!!!
(Biglang nagising si Tayuya at binato kay Shikamaru ang flute niya. Iniwasan ito ni Shikachu na parang ala-matrix ang style. Bumalik rin kay Tayuya ang plawta niya na parang boomerang.)
SHIKAMARU: Phew! Buti naiwasan ko yun ah! ...Akala ko patay ka na!
TAYUYA: (nakatayo na) Patay? Baka ikaw ang patayin ko!
SHIKAMARU: Lagot na! Kumpleto na ang Powerpuff Girls!!!
PIKORI: Tignan niyo o! Minamaliit talaga tayo. Powerpuff girls lang daw, di pa gawing Charlie's Angels!!!
TEMARI & TAYUYA: ^^"
TEMARI: Alam kong si Tayuya lang ang mukhang powerpuff sa atin... pero girls, sa tingin ko dapat iset aside muna natin ang differences natin ngayon at magkaisa sa isip, puso at diwa.
TAYUYA: Palalampasin ko muna ang ginawa mo sa kin Temari. Tandaan mo sa susunod babalikan din kita!
TEMARI: (nangisi si Temari) ...SHIKAMARU!!! Di pa kami tapos sa iyo! Ipapakita namin sa iyo ang Girl Power!!!
SHIKAMARU: Naku, aatakihin na ako ng mga harpy ladies! Paano ko ba lalabanan tong mga to? Kailangan makaisip ng paraan.
PIKORI: OMG! Gagamitin na niya ang ang kanyang super duper ultra advanced powerful mega over to the max na weapon, ang kanyang BRAIN!!!
TEMARI: Wag natin siyang bigyan ng pagkakataong makapag-isip!!!
SHIKAMARU: Di ako makaconcentrate dahil sa mga 'to! Kailangan makapagtago muna.
(Kinumpas ni Temari ang pamaypay pero nawala si Shikamaru)
TAYUYA: Ayan na naman siya! Lumabas ka, duwag!!! Wag kang magtago sa ANINO ng nanay mo!!!
SHIKAMARU: (sa sarili) Ngek, sa dinami-dami ng anino, eh anino pa ng nanay ko ang pinagdiskitahan. Mas nakakatakot pa nga dun eh.
(May kumahol sa likod ng punong pinagtataguan ni Shikamaru... Swerte nga naman, year of the dog eh)
SHIKAMARU: Nalimutan ko, andyan pala si Peropero! ...
(Ginamit ni Shikamaru ang shadow manipulation technique niya. Madadali sana si Pikori pero inihagis ni Pikori si Peropero on time kaya ang aso ang nakontrol ng technique. Nagtawanan tuloy ang mga babae kasi ginagaya na ni Pero2x ang kilos ni Shikamaru)
PIKORI: ...May libreng pet training pa ah...
SHIKAMARU: ^^""""" Anong!!! Nadali ako dun ah! Di bale hostage ko na si Peropero ...p-pero...
TAYUYA: Tepok ka. AKo naman ngayon!
(Patutugtugin na sana ni Tayuya ang flute nang hinagis ni Shikamaru ang kunai sa kanya kaya tumalsik ang flute palayo. Pinakawalan na rin niya si Peropero sa shadow manipulation.)
SHIKAMARU: Peropero, fetch! Ibigay mo sa akin ang flute ni Tayuya!
(Tumakbo si Peropero, kagat-kagat ang flute pero imbes na kay Shikamaru ibigay ay inabot ito kay Pikori na inabot naman kay Tayuya)
SHIKAMARU: Grabe!!! Di marunong magfollow ng instructions ang alaga mo.
PIKORI: Mali ka, matalino ata si Pero-chan! Alam niya kung sinong dapat sundin.
SHIKAMARU: Argh! Pinagtaksilan mo rin ako, Peropero!
(Nakabelat lang at nagkukumpas ng buntot si Peropero, parang happy pa. Biglang kinumpas uli ni Temari ang famayfay nya at nilipad si Shikamaru sa isang puno. Sinimulan na ni Tayuya ang pagtugtog ng theme song ng Japanese horror movie, Infection. Napasailalim agad si Shikamaru sa genjutsu ng kalaban)
PIKORI: Anong ilusyon ang ginamit mo sa kanya?
TAYUYA: Liquefaction of the internal organs. Kailangan unahin ang utak niya para di na niya ito magamit!
PIKORI: Hayup!
SHIKAMARU: Waaa...aag! Ang utak ko... nalulusaw na!!! Aaargh... ba't kulay green ang dugo ko???!!!
TEMARI: Pikori, ikaw naman. Iperform mo na ang Ju-on technique mo.
PIKORI: Lagot! Di pwede eh. Naka-ju-off!!! Kailangan kasi nakapasok na siya sa Fool House para maperform ko sa kanya yun!
TAYUYA: Ano ba namang klaseng kondisyon yan! Gagawa nalang ako ng illusion ng bahay na yan gamit ang genjutsu ko.
PIKORI: Di pwede. Kailangan it's da real thing.
TEMARI: Paano na yan, kami nalang ni Tayuya?
PIKORI: Hindi!!! Aaaargh... no choice. Eto nalang... headbutt!
(Sinugod ni Pikori si Shikamaru na nagmamakaawa na wag malusaw ang kanyang puso. Nagkauntugan nang ulo ang dalawa at parehong hinimatay)
TEMARI: Sira talaga siya! Baka nabasag ang bungo niya.
TAYUYA: Dali, itakbo natin siya kay Kimimaro.
(Dinala ng dalawa si Pikori kay Kimimaro. Inabutan nila itong naliligo sa ilog habang nagba-brush ng mga buto niya gamit ang Colgate toothpaste. Ngayon alam ko na kung bakit strong ang bones niya)
KIMIMARO: Ang lalakas ng loob ninyong mamboso sa harap ko.
TEMARI: Nagkakamali ka, kailangan namin ang tulong mo.
KIMIMARO: Ano bang nangyari? Ah, Tayuya... Wag mo sabihing ikaw rin nagmamakaawa ngayong humihingi ng tulong sa akin.
TAYUYA: Che! tumigil ka!!! Wala akong intensyon gawin ang gusto mo. Basta icheck mo bungo niya, bigyan mo siya ng calcium o kahit anong pampatubo ng mga buto mo!
KIMIMARO: Kung mag-utos ka... Teka yan ba yung babaeng humihingi ng buto para sa bulalo?
TAYUYA: EWAN KOOOO...!!!
TEMARI: Sandali, mukhang nagkakamalay na siya.
KIMIMARO: Mukhang di nyo na kailangan pa ng tulong ko. Matigas naman yata ang ulo ng isang yan. (Nagbihis na si Kimimaro)
PIKORI: (naggising) Anong nangyari? ... Sandali anong balak ninyong gawin sa kin. Papatayin niyo ba ako?
TEMARI: Ba't ganyan ka magsalita? Ikaw ang nagheadbutt kay Shikamaru kaya hinimatay ka. Wag mo sabihing nagka-amnesia ka na!
TAYUYA: (Inalog ang ulo ni Pikori) Pikori, gumising ka! Gumising ka sa katotohanan!
PIKORI: Pikori? Ako, ako si Shikamaru! Baka kayo ang may amnesia.
(Nagkatinginan ang 3 sa kanya)
KIMIMARO: Mukhang nadali ang utak niya.
TAYUYA: Pikori, wag ka nga magbiro!
PIKORI: DI ako nagbibiro. Ako talaga si Nara Shikamaru... (mapapatingin sa reflection sa ilog at sa damit) Teka, bakit ganito hitsura ko at suot ko? Ano bang ginawa nyo sa kin???
TEMARI: Teka nga! Balikan kaya natin si Shikamaru sa may puno.
TAYUYA: Mabuti pa nga.
PIKORI: Ako nga yun sabi eh! ...Teka, ang katawan koooo...!!!!
*Note: Sa bahaging ito, si Pikori at Shikamaru ay nagkapalit ng katawan kaya wag magtaka kung magmukhang magulo ang skrip.
(Pagbalik nila sa puno ng Narra, may malay na si Nara Shikamaru at nakaupo nalang. Nakapatong sa balikat niya ang happee dog na si Peropero)
SHIKAMARU: (nakatingin kay Pikori) Sandali, nananaginip ba ako? Bakit kamukha kita? ... Wag mo sabihing kaluluwa nalang ako at katawan ko yang nakikita ko?
KIMIMARO: Sabi ko na nga ba, mukhang nagkapalit ang dalawang ito ng identity.
SHIKAMARU: Nagkapalit ng identity? (kinapa ang sariling ulo) Haaa! B-bakit may ulo akong hugis pinya?! (tumingin sa katawan) Yuuu...uck! Ayoko nito, ayoko maging lalake!!! Nandidiri ako sa katawan kong ito... (Inalog si Tayuya) Tayuya, anong gagawin ko? Ibalik mo ako sa sarili kong katawan!
TAYUYA: Wag mo nga akong hawakan!!! Naiilang ako!!! (Tinutulak si Shikamaru)
PIKORI: Pikori, wag ka magkakamaling gumawa ng masama!!! Lagot na kapag nalaman kong may nangyari sa inyo ni Tayuya! Tandaan mo katawan ko yang hawak mo at nakasalalay sa kilos mo ang dignidad ko!
(Susuntukin sana ni Tayuya si Pikori nang pinigilan siya nina Shikamaru at Temari)
SHIKAMARU: Wag, Tayuya! Mukha ko yung tatamaan mo!
(Di na tuloy malaman ni Tayuya kung sinong susuntukin at sa sobrang inis ay nagsisigaw nalang ito at pinagmumura ang puno ng narra at si Kimimaro)
SHIKAMARU: Aaa..argh! Di ako magtatagal sa katawang ito!!!
PIKORI: Mas lalo na ako no! Di ko ata kakayanin magkaroon ng umbok sa dibdib, magsuot ng palda, maghousekeeping at ... ano ba 'to? Parang may padding sa ilalim ko? Ang init naman dito sa katawan na to.
SHIKAMARU: Naku lagot na. Meron pala ako ngayon eh. Baka kailangan mo na magpalit ng napkin, kundi tatagos yan!
TEMARI, TAYUYA & KIMIMARO: ^^"""""
PIKORI: Anooo...!!! Bakit ko naman gagawin yun?
TEMARI: P-paano yan, Shikamaru. Kelangan mo ng tulong?
PIKORI: Ayoko! Di ko gagawin yan!!! Di ako aalis hangga't di ko nababalik ang katawan ko. Gusto ko mang makatakas kahit minsan sa buhay-ninja at sa nanay ko, pero di sa ganitong paraan!
SHIKAMARU: P-p-parang g-gusto ko magbanyo... Waaaahh... ayokong jumingle... waaahhh... sasabog na pantog ko... waaahh...
PIKORI: Pwede ba, huminahon ka lang. Tiisin mo lang! 'tsaka wag ka na umiyak. Papangit mukha ko niyan, magmumukha akong bading!
(Nataranta tuloy ang mga kasama nila. Di nila malaman kung matatawa, masisiraan, makikisimpatiya o magagalit. Di nila malaman kung paano pa patitigilin ang dalawa)
KIMIMARO: Isa nalang ang solusyon.
PIKORI: Kailangan gawin uli natin yung nangyari kanina.
SHIKAMARU: Ha? P-paano na yung ulo ko, mamaya mabiyak!
PIKORI: Saka na natin isipin yun.
SHIKAMARU: Dahan-dahan lang. (Maiiyak na naman)
PIKORI: HAy ano ba to! Di ko ata kaya bungguin ang ulo niya...
KIMIMARO: Shikamaru, este Pikori, wag ka mag-alala. Bibigyan kita ng mga buto ko mamaya. Puno yun ng mga calcium, phosphorus at vitamin D. Bago ang lahat, inumin niyo muna ito. (Nagtimpla ng Anlene Gold at pinainom pa sa dalawa ang 10 tabletas ng caltrate plus)
PIKORI: Tayuya, Temari, kayo na ang bahala.
(Nagkatinginan sina Temari at Tayuya. Hinawakan ni Tayuya ang ulo ni Shikamaru at si Temari naman ang kay Pikori)
TEMARI & TAYUYA: Ready... 1... 2... 3 ... Go! (Pinag-untog nila ang dalawa)
KISAME: Hoy, Piko,gabi na ah! Ang sarap ng tulog mo, para kang oversaturated na mantika!
PIKORI: Nananaginip lang ba ako?
GAARA: Dinala ka dito nina Temari at Tayuya nang walang malay. Nauntog ka raw sa puno ng narra.
PIKORI: But no one loves me except the Acacia tree!
KISAME: Nasobrahan na ata sa panonood ng horror films to ah.
PIKORI: Teka nga, ibig bang sabihin na totoong nangyari yun?
KISAME & GAARA: Ang alin?
PIKORI: Ha? Ah...eh...ano... w-wala... (sa sarili) Which is fact? Which is fiction? Should I believe it or not?
GAARA: Kangkong na may pinya ang ulam natin.
KISAME: Natutulog ka pa kanina kaya kami na nagluto. Wag mo kaming papatayin kung di lasang pagkain ang ulam natin.
GAARA: Siguradong medyo malansa dahil syokoy ang nagtimpla.
KISAME: Hinaluan mo kaya yan ng buhangin kaya naging crispy ang sabaw!
PIKORI: P...p...p-pinya???
(Nagwalang bigla si Pikori sa buong kabahayan)
KISAME: Ang sabi namin KANGKONG! Hindi KINGKONG!!!
PIKORI: Ganun?!
(Pinagpatuloy pa rin ni Pikori ang pagwawala sa bahay kaya pinalibutan siya at binalutan na ng buhangin ni Gaara. Biglang sinubo ni Kisame ang 1 tsp ng ulam kay Pikori. Sa sobra-sobrang sama ng lasa ay dinura niya ito sa kisame na bumagsak naman sa ulo ni Kisame)
PIKORI: Pwe! Ni daga di yan pagtitiyagaan!!! Gusto ko ng sardinas, ngayon din!
GAARA: Sabi ko na nga ba mangyayari ang ganito.
MORAL OF THE STORY: Wag ubusin ang pasensiya ng isang babae, tao man ito, hayop o isang alien.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home